Xian Gaza supalpal kay Donnalyn Bartolome: May mga babaeng kayang magbayad ng VIP table kahit saan mo pa siya dalhin
PINALAGAN ng social media influencer na si Donnalyn Bartolome na may 16 million followers sa Facebook ang ipinost ng lalaking “Marites” na si Xian Gaza.
“For every story ng mga babae sa isang VIP table sa Xylo at Cove Manila, mayroong isang Sugar Da**y na hindi kasama sa mga video,” aniya.
Si Xian ay kasalukuyang naka-base sa Bangkok, Thailand pero madalas siyang magpunta sa Singapore kapag may business deals at mag-party.
Hindi nagustuhan ni Donnalyn ang post na ito ni Xian tungkol sa mga kababaihan.
Ni-repost ito ni Donnalyn at ang caption niya ay, “*Every story* sure ka? No offense Gaza pero ‘wag mo lahatin, merong mga babaeng kayang magbayad ng VIP table kahit san mo pa siya dalhin.
“Nasaan ka ba at ako pagbayarin mo sa VIP table—club of your choice, nang malaman mo hindi lahat ng babae may Sugar Daddy at madaming never nagkaSugar Daddy. And I’m just gonna remind, may mga babaeng kahit mayaman ka pa, kaya ka niyang mas payamanin gamit ang kanyang brain.
“Anyway, just an advice, imbes na i-down natin yung mga babaeng may sugar daddy, pwede natin sila i-encourage maging good money earners din like what I’m doing sa Sugar Baddie.
“I will never see myself superior to women who has Sugar Daddie’s just cause I’ve never done it, malawak isip ko lalo sa fact na other women weren’t given the same opportunity as me—what I’m saying is, the issue here is kaya madaming nagSusugar Daddy ay dahil sa poverty, lahat naman naghahangad ng maginhawang life and wants to experience that lavish life.
“Kung naghahanap ka ng ways to contribute to reduce poverty, edi sana hindi nakakababa ng morale ng mga babae ang pinopost mo. Talk to me and I’ll tell you what I’m doing to contribute na hindi ko pinopost, kasi baka questionin mo kung ako ba may ginagawa eh,” tuluy-tuloy na pahayag ng vlogger at aktres.
View this post on Instagram
“I’m writing this kasi anong purpose nu’ng post na’to? Diba para pagtawanan sila? Sa lahat ng mga babaeng may Sugar Daddies na nasaktan ni Gaza, I’m sorry. But listen to my songs IF you want to get out of the situation. I believe in you. You can do this. Alexa, play O.M.O. and Shawty.
“Disclaimer: Doing okay si Sugar Baddie at mga streams ng songs ko kahit di pa sila part ng post na’to. It’s here para lang malaman niyo na nasa history ko yan na advocacy ko ang women empowerment, I have been spreading the message to NEVER belittle women. Encourage them to do better pag mali ganuuurnn,” aniya pa.
Sinagot naman ito ni Xian Gaza, “Ang main purpose ng post na ito ay patamaan yung Sugar Baby ko na dinala ‘yung boyfriend niya sa Xylo tapos ang pinambayad ay pera na pinadala ko as sustento. Kung nasaktan kayo nang dahil dito eh hindi ko na problema yun.
“Wala akong pake sa nararamdaman niyo. Mabuti nga yan at shinare mo with 16M follower’s para tumaas engagement ng account ko. Salamat. Don’t forget to like Sugar Baddie guys,” aniya pa.
Mabilis na sagot uli ni Donnalyn, “Wehh anglayo po ng explanation mo sa ginawa mong pangbaba sa lahat ng babae eh, no offense ulit. Uii supportive sa business ng friend niya yarnn? Yes like Sugar Baddie ‘yan opposite word ng Sugar Daddy hehe.”
Naaliw kami sa mga komentong nabasa namin dahil sa baliktaktakan ng dalawa at marami na sa nagkomento ay inakalang may project silang gagawin.
Donnalyn Bartolome may pakiusap sa netizens para kay Zeinab Harake: Be kind
Donnalyn Bartolome ‘biniktima’ si Ryan Bang, humingi ng P100k para sa talent fee
Chito Miranda: Mukha lang akong sugar daddy ni Neri pero mas mayaman siya sa akin
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.