Chito Miranda: Mukha lang akong sugar daddy ni Neri pero mas mayaman siya sa akin Bandera

Chito Miranda: Mukha lang akong sugar daddy ni Neri pero mas mayaman siya sa akin

Ervin Santiago |March 07,2022
share this

Chito Miranda: Mukha lang akong sugar daddy ni Neri pero mas mayaman siya sa akin

Ervin Santiago - March 07, 2022 - 11:47 AM

Neri Naig at Chito Miranda

TAWANG-TAWA kami sa latest paandar ng OPM icon at songwriter na si Chito Miranda patungkol sa kanyang asawang si Neri Miranda.

Ginawa kasing katatawanan ng Parokya ni Edgar frontman ang kanyang itsura sa isang photo nila ni Neri na magkasama na kuha mula sa pagbabakasyon nila noon sa isang resort.

Sabi ni Chito, mukha lang daw siyang sugar daddy ng misis na aktres at negosyante pero ang katotohanan ay mas mayamang di hamak sa kanya si Neri.

Ang inilagay na caption ng singer-composer sa litrato ay, “Mukha akong sugar daddy nitong batang ito,” he wrote with a smiley and peace sign emoji in the caption.

“For the record, at hindi naman sa pagmamayabang (medyo lang siguro), as” sey pa ni Chito.
Pagpapatuloy pa niya, “Nakakahiya nga kasi yung huling regalo ko sa kanya nu’ng birthday nya, dalawang extension cord.

“Siguro swertihan lang talaga ‘yan,” pahabol pa niya gamit ang hashtag na, “Pangarap Kong Jackpot.”


Ipinost din ni Neri sa kanyang IG page ang kaparehong litrato kung saan nagkomento si Chito ng, “Parang Sugar Daddy lang ako dito ha!

“Pero di nila alam na ikaw talaga ang aking ‘Sugar Baby’ kasi mas mayaman ka kesa akin at ako ang nireregaluhan mo ng kung anu-ano,” aniya pa.

Nito lamang nagdaang February, sinorpresa ni Neri ang kanyang asawa ng maliit na yate bilang bonggang birthday gift kung saan napa-sana all ang mga netizens.

Ikinasal sina Neri at Chito noong 2014 at biniyayaan nga sila ng dalawang anak na sina Miggy at Cash. 

Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

Bakit nga ba ‘nawala’ si Chito at ini-report sa pulis ng pamilya at mga kaibigan noong 2010?

Neri may nakakalokang kuwento nang mag-dinner date sila ng asawa: Haaaaaay, Chito! Classic ka talaga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending