Donnalyn Bartolome 'biniktima' si Ryan Bang, humingi ng P100k para sa talent fee Bandera

Donnalyn Bartolome ‘biniktima’ si Ryan Bang, humingi ng P100k para sa talent fee

Therese Arceo |September 15,2022
share this

Donnalyn Bartolome ‘biniktima’ si Ryan Bang, humingi ng P100k para sa talent fee

Therese Arceo - September 15, 2022 - 04:53 PM

Donnalyn Bartolome 'biniktima' si Ryan Bang, humingi ng P100k para sa talent fee

HINDI nakaligtas ang “It’s Showtime” host at business owner na si Ryan Bang sa kalokohan ng singer-vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Nagsama kasi ang dalawa para mag-shoot ng vlog para sa YouTube channel ng komedyante sa loob ng kanyang Korean restaurant.

Maayos ang naging shoot nila para sa vlog ni Ryan ngunit nang matapos ito ay doon na nagsimula si Donnalyn para gumanap at kausapin si Ryan.

Dito ay pasimpleng kinausap ng dalaga ang komedyante sa gilid upang tanungin kung may budget ba ang kanilang shoot at kung makakatanggap ba siya ng TF o talent fee.

Kunyari ay nahihiya si Donnalyn kay Ryan nang hingian niya ito ng pera at tinanong kung maaari bang i-send na niya ito agad sa kanya dahil kailangan na niya ng pera.

Halata naman sa mukha ni Ryan ang pag-aalala para sa dalaga kaya naman agad niya itong tinanong kung may problema ba itong pinagdaraanan.

“May pinagdaraanan ka ba? Bakit? Pera? ‘Di ba maraming nanonood sa ‘yo sa YouTube? Ano ba ginagawa mo?? Tigilan mo ‘yung mga bisyo. Baka may bisyo ka,” tanong ni Ryan kay Donnalyn.

Pinayuhan rin ng binata ang kaihigan na mag-ipon ng pera at pinagalitan ito sa pagiging mahilig sa kotse,

Sey ni Ryan kay Donnalyn, “Tignan mo ha. Kahit gaano kalaki ang baso, kapag may maliit na butas hindi mapupuno ng tubig. Kaya dapat walang butas.”

Inalok pa nga niya ito kung nais nito ng kanyang produkto para hindi malungkot masyado ang dalagana kunyari ay may pinagdaraanan.

Talagang kinarir ni Donnalyn ang panggu-good time sa kaibigan at hindi tinigilan hangga’t hindi nito inaabot ang pera sa kanya.

Una ay plano ni Ryan na magbigay ng P50,000 ngunit humirit ang vlogger na gawin na itong P100,000.

Pumayag naman si Ryan sa hiling ni Donnalyn ngunit idedeposito na lang daw nito ang balance at kalahati muna ang maibibigay nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryan Bang (@ryanbang)

Kinulit pa rin ni Ryan ang kaibigan kung ano ang problema nito at paulit-ulit na sinabing mag-ipon ito.

Hanggang sa pagsakay sa kotse ay in character pa rin si Donnalyn at doon na nga inabot ni Ryan ang kanyang “talent fee”.

Umalis sila saglit at pagbalik nga ay doon na ini-reveal ng dalaga ang katotohanan.

“Ryan, it’s a prank!!!! Hindi ako nanghihingi ng TF,” sey ni Donnalyn habang inaabot ang perang ibingay ng komedyante.

Nagpasalamat naman si Ryan na hindi totoo ang paghingi nito ng TF pero sinabi niya na mas gusto niyang jowa challenge.

Birong sey ni Ryan kay Donnalyn, “Ayoko ganyan. Gusto ko jowa challenge. Magbayad na lang ako. Ayoko ng prank. Gusto ko posas tayo, holding hands tayo.”

Related Chika:
Donnalyn gumawa ng Filipino version ng ‘Squid Game’

Donnalyn Bartolome nag-sorry matapos ma-bash sa ‘sexy baby’ photoshoot: It was an honest mistake…I feel terrible

Donnalyn Bartolome may pakiusap sa netizens para kay Zeinab Harake: Be kind

Donnalyn trending uli sa socmed; isyu sa kapwa vlogger mauwi nga kaya sa demandahan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending