Ryan Bang muntik raw hiwalayan ni Paola dahil kay Ogie Alcasid

Ryan Bang muntik raw hiwalayan ni Paola dahil kay Ogie Alcasid, anyare?

Therese Arceo - March 01, 2025 - 05:17 PM

Ryan Bang muntik raw hiwalayan ni Paola dahil kay Ogie Alcasid

INAMIN ng “It’s Showtime” host at negosyanteng si Ryan Bang na muntik na silang maghiwalay ng kamyang non-showbiz fiancee na si Paola Huyong.

Sa kanyang panayam kay Gladys Reyes na mapapanood sa YouTube channel ng huli ay napag-usapan nila ang kanyang buhay pati na rin ang kanyang naging showbiz career.

Dito ay natanong ni Gladys ang isa sa mga ka-close ni Ryan sa industriya na si Ogie Alcasid.

Kasunod nito ang naging pasabog ng binata tungkol sa kanyang “It’s Showtime” co-host.

Baka Bet Mo: Ryan Bang na-shock sa inamin ni Paola Huyong nang mag-samgyupsal date

“Isa siya sa pinaka ka-close ko ngayon. Tsaka first time na nag-selos si Paola dahil kay Kuya Ogie,” pagbabahagi ni Ryan.

Tila nagulat naman si Gladys at tinanong siya kung ano ang kwento sa likod ng pagseselos ni Paola.

“Bukambibig ko raw si Kuya Ogie. Usually diba, nagse-selos yung mga babae sa babae? Siya, nag-selos siya kay Kuya Ogie kasi sabi ko, ‘Alam mo, si Kuya Ogie, pag-swing niya napaka-séxy.’ Magkasama kami lagi sa golf. So sobrang galing ni Kuya Ogie mag-golf kaya naging idol ko siya,” kuwento ni Ryan.

Dagdag pa niya, si Ogie daw ang inspirasyon niya sa pagkahilig sa golf.

“First time ako nag-champion sa Golf Tournament sa ABS-CBN Golf Tournament eh dahil kay Kuya Ogie,” chika ni Ryan.

Bilib na bilib rin daw siya sa singer-songwriter sa galing nitong maglaro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“In love na in love ako kasi ang galing niya mag-golf! Muntik na kami mag-hiwalay ni Paola dahil kay Kuya Ogie Alcasid,” sey ni Ryan.

“Nako ah, sa mga di nakakaalam, imagine mo, hindi ibang babae ang pinagawayan nila,” manghang sabi naman ni Gladys.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending