Donnalyn trending uli sa socmed; isyu sa kapwa vlogger mauwi nga kaya sa demandahan? | Bandera

Donnalyn trending uli sa socmed; isyu sa kapwa vlogger mauwi nga kaya sa demandahan?

Therese Arceo - August 10, 2021 - 05:07 PM


MULI na namang naungkat ang isyu ng actress at influencer na si Donnalyn Bartolome ukol sa pagpapabaya umano sa kanyang lola.

Nagsimula ito noong 2019 kung saan nakita ni Jose Hallorina, isang YouTube vlogger ang isang matandang naka-wheel chair na namamalimos sa kalsada.

Ang matanda ay nagpakilala bilang “Nanay Josie” na nakatira lamang sa isang “kuliglig” o sidecar at pamamalimos lang ang pinagkukunan ng pang-gastos sa araw-araw. Mayroon rin itong cerebral palsy at nagme-maintenance sa sakit na diabetes.

Tinulungan niya ito na magkaroon ng maayos na matutuluyan at binigyan rin ng puhunan para makapagsimula ng maliit na tindahan.

Nakipag-ugnayan naman siya sa mga kamag-anak ng matanda para mai-turnover ito sa kanilang pangangalaga.

Napag-alaman na ang matanda ay kamag-anak raw ng sikat na influencer at aktres na si Donnalyn Bartolome.

Ayon kay Jose, Mama raw ang tawag ni Donnalyn sa matanda at tumira raw ito sa bahay nila nang mahigit dalawang taon bago ito mapalayas at tumira sa kalsada.

Nakipag-usap raw si Jose sa pamilya nila Donnalyn para i-turnover sa kanila ang pangangalaga sapagkat sila naman daw ang kapamilya nito.

Akala raw ni Jose ay okay na ang lahat hanggang sa nakatanggap ito ng tawag na namatay sa tabi ng kalsada ang tinulungang matanda.

Nanatili siyang tahimik kahit na galit na galit ito dahil mayroon siyang pinirmahang agreement kung saan idi-delete niya lahat ng video na may kinalaman kina Nanay Josie at Donnalyn at hindi na ito muling pag-uusapan dahil makakasira nga sa imahe ng dalaga.

Nagulat raw ito nang makatanggap ng demand letter mula kay Donnalyn at sa mga abogado nito.

Ang insidenteng ito ay nangyari matapos mag-post si Jose ng video sa totoong dahilan kung bakit siya nawala. Nabanggit kasi nito ang pagkamatay ng isa sa mga lola na natulungan niya. Hindi naman daw niya ito pinangalanan ngunit mukhang natamaan raw si Donnalyn.

Saad naman ni Jose, nauna si Donnalyn na mag-breach ng kanilang kasunduan nang mag-reply ito sa comment ng isang netizen.

Noong June 2021, muli itong naungkat nang mag-upload ang aktres ng vlog kung saan bumili ito ng sports car na milyon-milyon ang halaga.

Isang netizen ang nag-comment sa post at sinabing “Ang yabang pero ‘yung lola niya di niya matulungan”.

Nagreply naman ang aktres tungkol dito, “Mag ingat ka Mark. Pwede kita kasuhan ng libel, pag ako tinopak ng malala talaga, ikaw nalang kakasuhan ko kasi di ko nakasuhan yung isa dahil humingi sila ng sorry nung matanda kaya pumayag ako sa settlement agreement.

“Why do you think dinelete yung video spreading fake news? Ikaw nalang kaya pakulong ko to serve as a lesson to people spreading fake news?

“I screenshotted you comment, your face, where you work. I can find you and I will put you in your place,” mahabang reply ng dalaga.

At dahil raw rito, wala nang silbi ang naging kasunduan nila at nagsinungaling raw ito nang sabihin na nagmakaawa raw sila sa aktres/influencer.

Hamon ni Jose, ituloy lang raw ni Donnalyn ang pagsampa ng kaso laban sa kanya dahil nakakahiya raw at alam na ng mga tao ang isyu.

“See you in court,” hamon pa nito.

Noon din ay sinagot na ni Donnalyn ang akusasyon sa kanyang pagpapabaya sa kaniyang “lola”. Ayon sa dalaga, malayo raw itong kamag-anak.

“For those confused, 2 years ago, a reckless youtuber featured a distant relative, a lola, who I took care of and had my contact number to ask for help when she was struggling but chose to let an outsider use my name for attention so that her son talks to her again after her shortcomings.

“Instead of taking the wrongdoers to court, I forgave both of them with all my heart though it cost me my reputation and also my mental health for 1 year.
“That’s not why I’m triggered though, it’s the fact that because of what she(the lola) and the youtuber did, her relationship with her son was permanently damaged. I couldn’t fix it until her last breath. This was painful to bear.

“Kaya di ka dapat nakekeelam sa problema ng pamilya if you are not a part of it. Wag mo palalain. No to fake news. Be a responsible viewer,” paglalahad nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA para sa paliwanag ni Donnalyn tungkol sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending