Donnalyn Bartolome may pakiusap sa netizens para kay Zeinab Harake: Be kind Bandera

Donnalyn Bartolome may pakiusap sa netizens para kay Zeinab Harake: Be kind

Therese Arceo |April 15,2022
share this

Donnalyn Bartolome may pakiusap sa netizens para kay Zeinab Harake: Be kind

Therese Arceo - April 15, 2022 - 10:56 PM

 Donnalyn Bartolome may pakiusap sa netizens para kay Zeinab Harake: Be kind

HUMILING ang singer, actress, at social media influencer na si Donnalyn Bartolome na sana ay maging mabait ang mga tao sa kaibigan niyang si Zeinab Harake.

Sa ngayon kasi ay nagluluksa ang social media influencer matapos ang pagkawala ng kanyang pangalawang anak na pinangalanan niyang Baby Moon.

“Be kind to Zeinab, because if you know what I know, you’d feel horribly sorry for saying bad things about her at this time.. the most painful time of her life,” saad ni Donnalyn sa kanyang Twitter at Facebook account.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donnalyn 🇵🇭 (@donna)

Aniya, ipapanalangin na lang niya ang mga taong patuloy na nagbabato ng masasamang salita laban sa kaibigan.

“I will pray for the souls who said false accusations about her loyalty after everything,” dagdag pa ni Donna.

Marami ang nagulat sa anunsyo ni Zeinab na pumanaw ang kanilang baby number 2 ng partner na si Skusta Clee dahil sa miscarriage.

Pero sa kabila nito ay may mga nag-iisip rin na mukhang on the rocks na ang kanilang relasyon dahil hindi nabanggit ni Zebby ang pangalan ng partner sa kanyang pahayag.

May mga nakapansin rin na wala na ang mga larawan nilang magkasama sa kanyang Instagram account.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

 

Maski ang iba pang mga kaibigan ni Zeinab na miyembro rin ng Team Zebby ay nagsalita na ukol sa isyu.

“Always remember you are enough and you are loved by many,” saad ni Melissa Enriquez.

Sey naman ng kanyang pinsan na si Jahan Visperas, “Iwanan ka ng lahat pero never kame. All is well! Excited na kame na maging solid happiness tyo ulit!”

“Please, we shouldn’t jump to conclusion without knowing the real side of the story and be mindful of our words. it might hurt people without you knowing how much it’ll affect them,” hirit pa ni Lantis Espiritu.

Sa ngayon ay wala pang pahayag so Zeinab Harake ukol sa isyu.

Related Chika:
Zeinab Harake nagluluksa sa pagkawala ng ika-2 anak: My baby boy rest ka na, mahal na mahal ka namin…

Zeinab Harake tinanggal na ang mga litrato ni Skusta Clee sa Instagram, hiwalay na raw?

Zeinab Harake inaatake ng postpartum depression: Iyak ako nang iyak, nai-stress ako…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending