Zeinab Harake tinanggal na ang mga litrato ni Skusta Clee sa Instagram, hiwalay na raw? Bandera

Zeinab Harake tinanggal na ang mga litrato ni Skusta Clee sa Instagram, hiwalay na raw?

Reggee Bonoan |April 14,2022
share this

Zeinab Harake tinanggal na ang mga litrato ni Skusta Clee sa Instagram, hiwalay na raw?

Reggee Bonoan April 14, 2022 - 05:10 PM

Skusta Clee, Zeinab Harake at Baby Bia

PALAISIPAN sa followers ng kilalang vlogger na si Zeinab Harake ang bigla niyang pag-unfollow sa partner niyang songwriter, music producer, rapper at vlogger na si Skusta Clee, sa Instagram.

Si Skusta o Daryl Jake Borja Ruiz sa tunay na buhay ay ama ng anak ni Zeinab na si Baby Bia.
Nang tingnan namin ang Instagram ni Zeinab ay wala na rin ang mga larawan niya na kasama si Daryl.

Pero pina-follow pa rin si Zeinab ni Skusta at wala rin siyang bagong post sa kanyang social media accounts.

Nitong nakaraang buwan lang ay binigyan ni Zeinab ng surprise party si Skusta Clee, talagang super saya ng dalawa kasama ang kani-kanilang mga kaanak at kaibigan.

Pero nitong Abril 13 ay nalaman ng kanilang mga followers na nakunan pala si Zeinab noong Abril 11 sa second baby nila ni Skusta Clee na pinangalanang Baby Moon.

Sa ipinost na larawan ni Zeinab sa IG na karga si Baby Bia ay malungkot siyang nakatingin sa naka-frame na larawan ng sanggol at sa ibabaw ay nakapatong ang vase kung saan nakalagay ang abo ni Baby Moon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Skusta Clee (@extraordinaryl)


Kapansin-pansin na wala sa tabi ni Zeinab ang tatay ng mga anak niyang si Skusta Clee kaya may ilang netizens ang nagtanong kung nasaan si Daryl.

May sumagot namang nagluluksa ito kaya hindi siya nagpapakita.

Pero may nabasa rin kaming, “Magbabalikan din ‘yan.”

Sabi rin ni @jinky_khai, “Ano na naman ginawa mo? Bat di mo kaya samahan si Zeinab nagluluksa sya don.”

Sagot naman ni @mri_g4, “@jinky_khai baka nag loko uli.”

Opinyon naman ni @joebellerodrigo, “Siguro lang ha. Nagaaway sila tapos biglang nang natambakan nang stress si ate Zeb tapos ayun siguro namatay ‘yung baby siguro lang ha.”

Ibig bang sabihin ay nahhiwalay na ang dalawa? Kailan pa at bakit sumabay pa sa pagkawala ng anak nilang si Baby Moon.

Tsinek namin ang IG account ni Skusta Clee na may post siyang may hawak na bag pero noong Marso 30 pa ito.

Nag-comment ang netizen na si @kayecobarrubia 13 hours ago na baka raw kaya nakunan si Zeinab ay dahil sa iniinom nitong slimming pill?

Aniya, “Hindi halatang buntis pala siya, eh diba nag lluxe slim siya? Its says there, bawal ‘yun sa preggy or breastfeeding moms. Then she were not showing any bumps at all. She even jumps sa pool with BNT groups.

“Wala pa ngang isang taon si Bia. Condolences. Buong buo na si baby, malaki na siya sa tiyan niya. She could’ve felt some sort of movement then should’ve take extra precautions,” sabi ng netizen.

Mukhang hindi nga alam ni Zeinab na buntis siya base na rin sa post niya sa kanyang YouTube channel 13 days ago kung saan nagkakasayahan sila ng mga kaibigan niya pero wala ang boyfriend niyang si Daryl.

Samantala, ayon naman sa aming source na parehong malapit kina Zeinab at Skusta Clee ay nagkaroon sila ng gusot at umalis ng bahay nila ang huli.

Panalangin naman ng malalapit na kaibigan ng dalawa na sana’y magkaayos na sila at pag-usapan kung ano ang dapat pag-usapan.

Mula sa BANDERA, nakikiramay kami sa pagkawala ni Baby Moon.

Zeinab Harake na-experience ang pagiging ‘attitude’ ni Ivana Alawi

Kim Chiu, Zeinab Harake niregaluhan ng P100k ang isang fan

Vlogger Zeinab Harake ipinakita na ang mukha ng baby nila ni Skusta Clee: Meet Baby Zebbiana!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending