Zeinab Harake nagluluksa sa pagkawala ng ika-2 anak: My baby boy rest ka na, mahal na mahal ka namin... Bandera

Zeinab Harake nagluluksa sa pagkawala ng ika-2 anak: My baby boy rest ka na, mahal na mahal ka namin…

Ervin Santiago |April 14,2022
share this

Zeinab Harake nagluluksa sa pagkawala ng ika-2 anak: My baby boy rest ka na, mahal na mahal ka namin…

Ervin Santiago - April 14, 2022 - 06:57 AM

Zeinab Harake at Baby Bia

MALUNGKOT na ibinalita ng sikat na vlogger na si Zeinab Harake sa kanyang social media followers ang nangyari sa ikalawa sana niyang baby.

Kagabi, April 13, nag-post ang content creator sa kanyang Twitter account kung saan kinumpirma niyang nakunan siya noong Lunes, April 11, sa kanyang second baby.

Isang litrato ang ibinahagi ni Zeinab sa kanyang mga tagasuporta kung saan makikitang kasama niya ang panganay na si Baby Bia habang nakatingin sa labi ng baby boy niya na pinangalanang Moon.

Narito ang buong tweet ni Zeinab, “04-11-22…

“My baby boy rest kana mahal na mahal ka namin ni ate Bia mo bantayan at palakasin mo kami palagi di ka mawawala sa puso namin moon.

“Be our forever angel mommy loves you so much,” aniya pa.

Kamakailan lamang ay isinugod nga si Zeinab sa ospital pero walang ipino-post ang vlogger kung ano ang nangyari. Pero last Monday, April 11, nag-tweet si Zeinab ng makahulugang mensahe na, “Lord inaalay ko na sa inyo lahat.” At kasunod nga nito, nagpahiwatig na siya tungkol sa napakasakit na pinagdaraanan.

Tweet uli ni Zeinab, “Yung luha ko papunta ng dugo potaena wala nakong maiyak.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)


Matatandaang noong Jan. 25 ay nagparamdam na siya tungkol sa kanyang ikalawang pagbubuntis sa pamamagitan ng simpleng tweet na, “Moon,” with matching smiling emoji.

Bumuhos naman ang mga mensahe ng pakikiramay sa pagkawala ng baby ni Zeinab at halos lahat ay nangakong ipagdarasal nila ang vlogger pati na si Baby Moon. Ilan sa mga kaibigan niyang celebrities ang nakiramay din sa vlogger tulad nina Ivana Alawi, Jelai Andres, Awra Broguela, Elijah Alejo, Jessy Mendiola at marami pang iba.

May ilang fans din si Zeinab na nakiusap sa mga netizens na huwag munang magtanong ng kung anu-ano dahil nagdadalamhati pa ito sa pagkawala ng anak.

Pero ang isa sa mga pinag-uusapan ngayon ng mga “Marites” ay ang tungkol sa estado ng relasyon ngayon ni Zeinab at ng kanyang partner na si Skusta Clee.

Totoo nga kaya na may pinagdaraanan din ang dalawa kaya hindi man lang binanggit ni Zeinab ang pangalan ni Skusta Clee sa kanyang mga post tungkol sa nangyari sa second baby nila? That’s another story to tell.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Skusta Clee (@extraordinaryl)

Zeinab Harake na-experience ang pagiging ‘attitude’ ni Ivana Alawi

Zeinab Harake, Alex Gonzaga niregaluhan ng P160k ang isang elementary teacher

Kim Chiu, Zeinab Harake niregaluhan ng P100k ang isang fan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending