Jeffrey Hidalgo mas enjoy na sa pagdidirek sa Vivamax; Chloe Jenna naiyak matapos purihin sa 'Ligaw Na Bulaklak' | Bandera

Jeffrey Hidalgo mas enjoy na sa pagdidirek sa Vivamax; Chloe Jenna naiyak matapos purihin sa ‘Ligaw Na Bulaklak’

Ervin Santiago |September 20,2023
facebook
share this

Jeffrey Hidalgo mas enjoy na sa pagdidirek sa Vivamax; Chloe Jenna naiyak matapos purihin sa ‘Ligaw Na Bulaklak’

Ervin Santiago - September 20, 2023 - 07:36 AM

Jeffrey Hidalgo mas enjoy na sa pagdidirek sa Vivamax; Chloe Jenna naiyak matapos purihin sa 'Ligaw Na Bulaklak'

Jeffrey Hidalgo, Chloe Jenna at Aaron Villaflor

NAIYAK ang Vivamax sexy star na si Chloe Jenna pagkatapos ng naganap na special screening at mediacon ng kanyang launching movie na “Ligaw Na Bulaklak.”

Marami kasi ang pumuri sa kanyang performance sa pelikula na idinirek ng singer-actor na si Jeffrey Hidalgo na isa sa mga original member ng OPM group noon na Smokey Mountain.

Kasama ni Chloe sa pinakabagong psycho-sexy thriller Vivamax Original Movie ang hunk actor na si Aaron Villaflor na markado rin ang akting sa pelikula.

In fairness, hindi lang basta naghubad at nakipag-love scene si Chloe sa “Ligaw Na Bulaklak”, talagang ipinakita niya na may ibubuga rin siya pagdating sa aktingan.

Sa kuwento ng movie, isang hunk actor ang maaaksidente sa gitna ng kawalan na isasalba ng lalaking may kapansanan at kahina-hinalang babae na maraming nalalaman tungkol sa pagkatao niya.

Si Kevin (Arron) ay sexy film actor na nasa remote location para sa shooting ng pelikula. Pagkatapos ng trabaho, nagkaroon ng cast party kung saan nag-uumapaw ang alak at droga.

Matapos ang masayang gabi at wild na pagpa-party, pinilit ni Kevin na lumuwas na sa siyudad kahit na pinipigilan ito ng mga kasamahan para makaiwas sa peligro. Nagkatotoo ang hula ng mga ito at naaksidente nga si Kevin.

Baka Bet Mo: Toni Fowler nag-attitude, nag-walkout sa taping ng ‘Batang Quiapo’: ‘Hindi ko na talaga kaya Direk, tanggalin n’yo na lang ako!’

Nang magising, nasa bahay-kubo na sa liblib na lugar si Kevin, hindi makalakad dahil nabalian ng binti. Inaasikaso at inaalagaan siya ng dalagang si Dian (Chloe). Nalaman din ni Kevin na isang pipe ang nagligtas sa kanya sa aksidente, si Tatay Dune (Jeric Raval).

Ikinagulat din ni Kevin na maraming alam si Dian tungkol sa kanya. Ayun pala ay masugid niya itong tagahanga na sinusubaybayan ang mga pelikula niya.

Hindi na rin naiwasan ni Kevin na mapansin ang kagandahan ni Dian, at magkakaroon ng malakas na sexual tension sa pagitan nila na mauuwi sa mga maiinit at mapupusok na gabi.

Unti-unting mapapalapit ang loob ni Kevin sa mga tao at masasanay sa buhay niya ngayon.

Pero sa pagtagal ni Kevin sa lugar ay may mga mapapansin at madidiskubre siyang kahina-hinala at nakakabahalang bagay tungkol kay Dian at Tatay Dune.

Ang tanong, habambuhay na bang mawawala si Kevin sa piling ni Dian? O makaalis pa ito at makabalik sa dati niyang buhay? Yan ang dapat n’yong alamin dahil hindi muna namin ito babanggitin.

Ang “Ligaw na Bulaklak” ay ang latest film ni Jeffrey Hidalgo sa Vivamax. Makakasama rin dito si Sheila Snow na gaganap bilang Cassie, ang screen partner ni Kevin.

Kaya watch na ng “Ligaw na Bulaklak,” streaming exclusively sa Vivamax ngayong September 22, 2023.

Samantala, natanong naman si Direk Jeffrey kung ano ang masasabi niya sa mga bashers ng movie nila lalo na sa mga nagkomento na kinopya lang nila ang Hollywood film na “Misery” na pinagbidahan noon ni Kathy Bates.

“We don’t hide na it’s inspired by ‘Misery’. It’s actually a homage to ‘Misery’ but, if you’d notice, marami na kaming binago.

“For one, the ending is totally different from ‘Misery’. Tapos, may back story yung character ni Chloe along with Jeric Raval, who plays a mysterious mute man in her life.

“A movie is just like a song. Maraming paulit-ulit na melodies and the difference na lang is in the treatment and execution,” aniya pa.

Sa tanong naman kung ano ang mas love ngayon ni Jeffrey, singing, acting o directing, “Right now, given the choice, directing is really on top of the priorities in what I enjoy doing.

“I find much more satisfaction in filmmaking,” sey pa ni Jeffrey.

Christine Bermas ayaw talagang makipag-love scene sa kapwa babae: Parang nakikita ko yung nanay ko na pinagagalitan ako

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jake tinupad ang pangako sa delivery rider na tinamaan ng ligaw na bala: Nandito lang ako para sa ‘yo, Ely

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending