Toni Fowler nag-attitude, nag-walkout sa taping ng 'Batang Quiapo': 'Hindi ko na talaga kaya Direk, tanggalin n'yo na lang ako!' | Bandera

Toni Fowler nag-attitude, nag-walkout sa taping ng ‘Batang Quiapo’: ‘Hindi ko na talaga kaya Direk, tanggalin n’yo na lang ako!’

Reggee Bonoan |June 19,2023
facebook
share this

Toni Fowler nag-attitude, nag-walkout sa taping ng ‘Batang Quiapo’: ‘Hindi ko na talaga kaya Direk, tanggalin n’yo na lang ako!’

Reggee Bonoan - June 19, 2023 - 09:47 AM

Toni Fowler nag-attitude, nag-walkout sa taping ng 'Batang Quiapo': 'Hindi ko na talaga kaya Direk, tanggalin n'yo na lang ako!'

Toni Fowler at Lovi Poe

“NAGTAGO na ako sa likod, syet nag-aaway na sila!” Ito ang sabi ni Lovi Poe nang nagkasagutan sina Toni Fowler at Direk Kevin de Vela sa taping ng “FPJ’s Batang Quiapo.”

Ang eksena ay kinunan sa club kung saan ipinakilala ni Toni si Lovi kay Janice Jurado sa karakter na Janet na in-charge sa mga dancer sa club.

Nire-rehearse ni direk Kevin si Toni as Chicky ng mga sasabihin niya nang mag-attitude siya dahil naiinitan na at hindi na kayang magmemorya.

Pero pinipilit siya ng direktor na konti lang ang linya at kailangang tapusin na dahil pasado alas-tres na ng madaling araw.

“Hindi ko talaga kaya direk, tanggalin n’yo na lang ako!” ang balabag na sabi ni Toni kay direk Kevin.

Hindi naman mapakali si Lovi dahil palakad-lakad siya habang nakatingin sa beshie niya at sa direktor na nagkakainitan na.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Fowler (@tonifowlerpo)


Hanggang sa nag-walk out na si Toni at kinuha na ni direk Kevin ang headset at nagsumbong kay Direk Coco Martin.

“Direk ano nangyari kay Toni nag-walk out,” sabi ng assistant ni Coco.

Maririnig naman ang boses ni Toni na pinapakuha niya ang mga gamit niya sa kasama niya na nasa loob ng bar. Hirit ni direk Kevin, “Ang liit-liit ng linya sana pinakinggan mo muna.”

Pero dire-diretso si Toni para kunin ang gamit niya. Sabi ni direk Kevin, “Parang kami pa ang bastos, ah?”

Sumbong naman ni Toni, “Direk Coco bakit naman ganyan si direk Kevin?”

Sabay sabing, “Direk Kevin, mag-usap po tayo. Sabihin mo na kay Lovi.”

Hirit pa ni Toni, “Kasi po kanina pa kami nagrereklamo ang init-init.”

Katwiran naman ng direktor, “Saan?  Kami nga pawis na pawis oh, nakapag-shoot na kami lahat-lahat, nakapag-change set-up na nga kami.”

“’Wag naman po kayo magtaas ng boses napapahiya ako sa mga tao!” sabi naman ni Toni kay direk Kevin.

Si Lovi ay nasa isang tabi lang at tahimik na nakikinig.

Sabay sabi ni Toni, “Pakisabi na lang po kay Ms. Lovi.”

Baka Bet Mo: Kevin Santos, non-showbiz wife malaki ang natipid sa pandemic wedding: Hindi ka pwedeng gastos nang gastos

“It’s a prank!” sigaw ni direk Kevin.

Naloka si Lovi at tawang-tawa sa nangyari habang niyayakap siya ni Toni.

“Bwisit kayo!” natatawang sabi ni Lovi  habang hawak-hawak ng dibdib dahil sa matinding kaba.

“Buwisit kayo! Ang dami kong lines na mas mahaba,” katwiran pa ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe)


In fairness kalmado lang si Lovi sa kunwaring nag-a-attitude si Toni at hindi siya nakitaan ng galit o irita sa ginagawa ng beshie niya.

Anyway, simula pa lang pala ay nagpaalam na si Toni kay Coco na ipa-prank niya si Lovi at pumayag naman ang huli pero aalis daw siya dahil hindi niya kaya. Matatawa lang daw siya kaya ang assistant directir nitong si Kevin ang kausap ni Chicky.

Sa simula ang nagbigay ng instruction ay si direk Coco pero natatawa na kaya umalis na lang.

Samantala, naisip ni Toni na i-vlog ang behind the scenes ng “FPJ’s Batang Quiapo” dahil marami raw nagre-request sa kanya kung ano ang ginagawa nila kapag hindi sila umaarte sa harap ng kamera.

Sa simula ng vlog ni Toni ay nasa isang kuwarto sila ng hospital kung saan naghihintay ng eksena nila at si Lovi naman ay naroon din at namimigay ng chips para pampagising kasama si Susan Africa na kumakain naman ng barbeque.

Ganito na raw ang gagawin ni Toni na kukuha siya ng BTS ng “Batang Quiapo” para pagbigyan ang mga nagre-request sa kanya kaya abangan daw.

Umabot na sa 1.5 million views ang prank ni Toni kay Lovi.

Toni Fowler sinagot ang mga pahayag ng kapatid: Itakwil n’yo ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lovi Poe ibinuking ni Toni Fowler, ‘pasaway’ daw sa taping ng ‘Batang Quiapo’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending