Lovi Poe spotted na nangangabayo sa Subic Bay, todo pasalamat kay Coco Martin: 'Inilabas mo ang Mokang side ko!' | Bandera

Lovi Poe spotted na nangangabayo sa Subic Bay, todo pasalamat kay Coco Martin: ‘Inilabas mo ang Mokang side ko!’

Ervin Santiago |May 09,2023
facebook
share this

Lovi Poe spotted na nangangabayo sa Subic Bay, todo pasalamat kay Coco Martin: ‘Inilabas mo ang Mokang side ko!’

Ervin Santiago - May 09, 2023 - 07:50 AM

Lovi Poe spotted na nangangabayo sa Subic Bay, todo pasalamat kay Coco Martin: 'Inilabas mo ang Mokang side ko!'

Lovi Poe at Grace Mangulabnan-Angeles

SPOTTED ang Kapamilya actress na si Lovi Poe habang nangangabayo sa isang lugar sa Subic Bay kamakailan.

Ang akala ng mga nakakita sa dalaga ay eksena ito ni Lovi para sa ABS-CBN series na “FPJ’s Batang Quiapo”, pero bakit wala naman daw roon si Coco Martin?

In fairness, mukhang kinarir daw talaga ng aktres at singer ang pangangabayo dahil talagang kuhang-kuha nito ang porma ng mga sumasakay at nagpapatakbo ng mga kabayo.

Pero hindi nga raw ito para sa “Batang Quiapo” kundi para yun sa pictorial at video shoot ni Lovi for her latest endorsement, ang Eevor Skin Care Depot o SCD.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Isa si Lovi sa mga mabentang product endorser at celebrity ambassador ngayon dahil talagang sunud-sunod ang pagkuha sa kanya ng mga kumpanyang naniniwala sa kanyang powers bilang influencer.

Balita namin, ang bongga ng nasabing endorsement ni Lovi dahil ang laki raw ng gastos sa pictorial at video shoot na ginawa niya habang nangangabayo.

Ayon sa owner ng Eevor Skin Care Depot or SCD na si Grace Mangulabnan-Angeles, anything and everything daw ay ibibigay nila para mapaganda ang pag-e-endorse ni Lovi ng kanilang produkto.

Baka Bet Mo: Bela nanirahan sa London hindi lang dahil sa dyowa; wala na bang balak bumalik sa Pinas?

Hindi basta-basta nag-eendorso ng mga produkto ang aktres kaya naman talagang sinubukan muna niya ang SCD at pagkatapos nga nito ay pumirma na agad siya ng kontrata.

“Gustong-gusto raw talaga niya ang skin care products namin,” sey ni Ms. Grace.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe)


Sabi naman ni Lovi, kinilig daw siya sa offer ni Ms. Grace at feeling niya mukhang magtatagal siya sa nasabing kumpanya. Plano rin ni Ms. Grace na ilibot sa buong Pilipinas si Lovi para mas lalong makilala ang kanilang mga products.

Samantala, super thankful naman si Lovi na naging bahagi siya ng “Batang Quiapo”, “Nagpapasalamat ako just to be part and sitting next this amazing cast. Sobrang grateful talaga ako.

“Alam mo ba kung gaano ka-intimidating to be doing scenes kapag first time ko sila makaka-work? The last scene that we did, sabi ko, ‘My God, kinakabahan na naman ako.’

“Parang first day ko ulit kasi for the first time kaming lahat magkakasama, kami nina Ma’am Charo (Santos), everybody, ‘yung lahat tayo. So grateful talaga ako to be given the opportunity.

“And Coco, salamat at inilabas mo ang different side ko. Inilabas mo ang Mokang side ko. Kasi lagi niyang sinasabi, nu’ng first day namin tinuturuan niya ako.

“Sabi niya, ‘Lovi, hindi ganyan.’ Sabi niya, ‘Sosyal ka pa rin sa paningin ko. Kailangan nating tanggalin ‘yan.’ Sabi ko, ‘Paano?’ ‘Gawin mo ito, ‘yung stance ko, ganito-ganyan.’ So salamat ginawa mo, binuo mo si Mokang. Maraming salamat, thankful talaga ako,” kuwento ng dalaga.

Sey ni Mikael, bigla na lang mabubuntis si Megan: Don’t worry, pati ako magugulat, promise!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angelica ‘bugbog-sarado’ sa netizens matapos banatan ang Red Cross; pinagso-sorry ng doktora

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending