Litrato nina John Arcilla, Rowell Santiago at John Estrada binigyan ng kulay ng netizens: 'Weeee! Mukhang may reunion sa Batang Quiapo!' | Bandera

Litrato nina John Arcilla, Rowell Santiago at John Estrada binigyan ng kulay ng netizens: ‘Weeee! Mukhang may reunion sa Batang Quiapo!’

Alex Brosas |June 01,2023
facebook
share this

Litrato nina John Arcilla, Rowell Santiago at John Estrada binigyan ng kulay ng netizens: ‘Weeee! Mukhang may reunion sa Batang Quiapo!’

Alex Brosas - June 01, 2023 - 07:33 AM

Litrato nina John Arcilla, Rowell Santiago at John Estrada binigyan ng kulay ng netizens: 'Weeee! Mukhang may reunion sa Batang Quiapo!'

John Arcilla, John Estrada at Rowell Santiago

BINIGYAN ng kulay ng mga fans ng “Dirty Linen” actor na si John Arcilla ang pagkikita nila ni Rowell Santiago at ni John Estrada.

Ipinost kasi ni John sa kanyang Instagram account ang photos na kasama si direk  Rowell at John Estrada.

“Wala lang. Nagkita kita lang kami ganun. @johnestrada__ @direkrowell.” That was John’s caption sa kanyang photos.

Ayun, naghinala na ang fans ni John na papasok na siya sa “Batang Quiapo” dahil namatay na ang kanyang character  sa “Dirty Linen”. Nag-one-plus-one na kaagad sila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JOHN ARCILLA Official (@johnarcilla)


“Wehh, papasok ka na sa batang quiapo no?”

“Naglakwatsa ka lang pala Carlos?godammit!”

“Mukhang pupunta sa Batang Quiapo ang mga batikang at magagaling na actor ng bansa.”

“Mag batang quiapo ka na po!! Hahahahahaha nakakamiss yong sagupaan nyo ni coco martin.”

Baka Bet Mo: Kris Aquino, Bongbong Marcos napagbati ni Lolit Solis noon: Shocked pa nga si Tita Cory ng lumabas sa news

“May reunion si Oscar Hidalgo kasama ng mga kalaban niya na si renato hipolito at armando silang.”

“Sabe kona buhay pa si sir fierro e nakipag bonding lang pala sa friends nya HAHAHAHA.”

“Hay naku, #cocomartin_ph, may plano na naman sa’yo ‘tong mga kalaban mo at may bonus pa, kakampi na nila ang presidente.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JOHN ARCILLA Official (@johnarcilla)


Samantala, nagtala ng panibagong all-time high online viewership record ang tatlong primetime shows ng ABS-CBN sa loob lamang ng isang gabi noong Martes (Mayo 30) para sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

Back-to-back ang record-breaking nights ng “FPJ’s Batang Quiapo” na nakakuha ng 408,614 live concurrent views.

Isang makapigil-hiningang episode ang nasaksihan ng mga manonood matapos mamatay ni Greg (RK Bagatsing) sa salpukan laban sa grupo ni Tanggol (Coco Martin).

Tinutukan din ng viewers ang patuloy na misyon ni Apollo (Richard Gutierrez) sa “The Iron Heart” sa pagpapabagsak niya sa Tatsulok kaya naman nakamit nito ang panibagong all-time high live concurrent views na 304,208. Mas magiging kaabang-abang ang susunod na eksena ngayong napasabog na ni Adonis (Ryan Eigenmann) ang hideout ni Apollo at nalaman din ni Priam (Albert Martinez) na agent din si Eros (Jake Cuenca).

Panibagong online record din ang nakamit ng “Dirty Linen” na may 149,410 live concurrent views.

Lalong umiigting ang mga rebelasyon sa serye dahil nanganganib na mabisto ang paghihiganti ni Mila (Janine Gutierrez) ngayon na bantay-sarado ang pamilya Fiero sa mga pulis matapos ang pagkamatay ni Carlos (John Arcilla).

Mula Pebrero hanggang Abril 2023, nagtala ng higit 642 milyong total views ang tatlong Kapamilya primetime shows sa Kapamilya Online Live.

Rowell Quizon kay Super Tekla: Lagpasan mo muna nagawa ng lolo ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sharon inaming si Rowell Santiago ang tunay na ‘TOTGA’: I can never live without this boy in my life

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending