Rowell Quizon kay Super Tekla: Lagpasan mo muna nagawa ng lolo ko | Bandera

Rowell Quizon kay Super Tekla: Lagpasan mo muna nagawa ng lolo ko

Therese Arceo |April 02,2022
facebook
share this

Rowell Quizon kay Super Tekla: Lagpasan mo muna nagawa ng lolo ko

Therese Arceo - April 02, 2022 - 10:50 AM

Rowell Quizon kay Super Tekla: Lagpasan mo muna nagawa ng lolo ko

TILA hindi nagustuhan ng apo ni Comedy King Dolphy na si Rowell Quizon ang naging pagtrato sa kanya ng komedyanteng si Super Tekla.

Base sa screenshot na ibinahagi ng Isyus sa kanilang Facebook page, nag-post ito patungkol sa diumano’y pagyayabang sa kanya ng komedyante.

Kwento ni Rowell, nagkasalubong daw sila ni Super Tekla at nang batiin niya ito ay tinignan lamang siya at nilagpasan.

“Super Tekla ano? Yabang oh suplado yarn… wala eh pogi eh. Lagpasan mo muna nagawa ng lolo ko bago ka magsuplado. T**** mo magkaharap lang tayo tinignan mo lang ako,” mainit na pahayag ni Rowell.

Dagdag pa niya, “Mag angas ka ‘pag mas pogi ka na sa ‘kin.. Masyado nang lumaki ulo mo pare.”

Sa isang pang post ay nilinaw ni Rowell na matagal na silang magkakilala ni Super Tekla dahil madalas silang magkasama sa trabaho.

“FYI lang matagal na kaming magkakilala ni Tekla magkasama kami sa trabaho.. Hindi pa siya sikat.. Gusto ko lang linawin na face to face kami nagkita. Binati ko pa siya. Tinignan lang ako,” sey pa niya.

Ani Rowell, binura niya ang nauna niyang post patungkol kay Super Tekla dahil marami raw sa mga netizens ang nagbibigay komento na tila alam nila kung ano ang tunay na nangyari.

Diin pa niya, hindi naman daw siya nagpapaimportante.

“Ang ikinasasama ng loob ko dito eh yung dinedma ka na parang hindi kayo nagkasama at kakilala. Siguro kahit sino naman magtatampo or magagalit gawin sayo yun sa harap ng maraming tao,” sambit ni Rowell.

Nang bisitahin naman namin ang comment section ng Isyus, may mga komento na diumano’y ginagamit niya ang pangalan at popularidad ng kanyang yumaong lolo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rowell Quizon (@quizonrowell)

Nag-comment rin si Rowell sa naturang post ng Isyus para ipagtanggol ang sarili.

Saad niya, “Sana bago din kayo nagsalita na ginamit ko ang lolo ko.. wala kayo sa sitwasyon.. kaya ko na-mention ang lolo ko kasi nakita ko siya simula ng bata pa ako na siya mismo lumalapit sa mga tao at nakikipagkwentuhan lalo na sa mga tagahanga niya.”

Sa isa pang post ni Rowell ay humingi naman siya ng paumanhin at sinabing nagkaayos na sila ni Super Tekla.

“Pasensya na sa mga naabala. Nagkausap na po kami ni Tekla. Hindi lang kami nagkaunawaan. Naipaliwanag na niya yung part niya at naipaliwanag ko na rin yung sakin,” sey ng apo ni Dolphy.

“Nadala lang din kasi ng emosyon ko na hindi naman natin maiiwasan minsan,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay burado na ang mga Facebook posts ni Rowell Quizon patungkol kay Super Tekla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kabilin-bilinan ni Dolphy sa mga anak: Ayoko ng away-away, gusto ko magmahalan kayo

Quizon brothers bubuhayin ang mga classic paandar ni Dolphy: Wala kaming comparison sa galing nu’n!

Willie tinulungan noon si Dolphy, sey ni Cristy Fermin: Kaya laging pinagpapala si Willie ay dahil butas ang palad niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending