Willie tinulungan noon si Dolphy, sey ni Cristy Fermin: Kaya laging pinagpapala si Willie ay dahil butas ang palad niya | Bandera

Willie tinulungan noon si Dolphy, sey ni Cristy Fermin: Kaya laging pinagpapala si Willie ay dahil butas ang palad niya

Reggee Bonoan |December 18,2021
facebook
share this

Willie tinulungan noon si Dolphy, sey ni Cristy Fermin: Kaya laging pinagpapala si Willie ay dahil butas ang palad niya

Reggee Bonoan - December 18, 2021 - 08:43 AM

Willie tinulungan noon si Dolphy, sey ni Cristy Fermin: Kaya laging pinagpapala si Willie ay dahil butas ang palad niya

SA pagkakataong nangailangan ng tulong pinansyal ang nag-iisang Comedy King na si Mang Dolphy noong nabubuhay pa ay si Willie Revillame ang tumulong sa kanya bagay na labis na ipinagpasalamat nito sa Wowowin host.

Ito ang naikuwento ni ‘Nay Cristy Fermin sa online show niyang “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chica nitong Biyernes ng hapon.

Aniya, “Sa isang okasyon, mayroong kailangang bayaran si Tito Dolphy, may kailangang bayaran milyunan. Milyon ang kailangan niyang ibayad kundi ay madedemanda ang comedy king.

“Pinapunta niya si Rene Pascual, ‘yung assistant niya kay Willie sa ABS-CBN, nag-usap sila (Willie at Mang Dolphy) sa telepono umalis si Rene na dala-dala niya ‘yung kailangan ni tito Dolphy. Tingnan mo ang buhay kung magbiro?”

Naunang ibahagi ni ‘nay Cristy sa kanyang mga tagasubaybay kung paano nagsimula sa showbiz si Willie na noo’y kumikita lang sa pagda-drums at hindi pa sapat ang sahod nito para sa mga bayarin niya sa bills at bahay.

“Dumaan po sa ganoon si Willie Revillame kaya po ganoon na lang ang pagpapahalaga niya sa kanyang kinikita. Alam niya kung paano maging mahirap.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Willie Revillame – Wowowin (@willrevillame)

Hanggang sa galing daw sa isang gig si Willie noon at napadaan siya sa Mabini kung saan dadanan nito ang bantayog ni Raja Sulayman sa may Malate ay doon niya nakita si Mang Dolphy.

“Sa plaza malapit sa Aristocrat. May nakita siyang nagkakagulong mga tao, nakiusyoso siya, ang pera lang niya 35 centavos sa kanyang bulsa. Pagkita niya, si tito Dolphy naka-suit ng puti from sombrero to paa tapos pingkakaguluhan.

“Tapos kumakain si tito Dolphy masasarap ang kinakain, nakatingala raw siya (Willie) sa may puno, nakahawak kasi siya ro’n sa puno. Sabi raw niya, ‘sikat na sikat si mang Dolphy, ang sarap sigurong sumikat at saka ang suwerte ni tito Dolphy, pinagkakaguluhan siya. Ganu’n lang, naisip lang niya na ganu’n pala ang buhay ng isang sikat,”detalyadong kuwento ni ‘nay Cristy tungkol sa anak-anakan niyang TV host ngayon ng sariling programang Wowowin.

Pagpapatuloy pa, “Dumaan, dumating ang maraming taon, napakaraming taon po ang lumipas sumikat po si Willie Revillame, sumikat as in sikat na sikat. Nagkaroon po ng mga bagay na pinapangarap lang niya.

“Nakita lang niya si tito Dolphy pinagkakaguluhan hangang-hanga siya. Umikot ang panahon ‘yung batang nangangarap siya ngayon ang nagtagumpay at sumikat at si tito Dolphy naman ng mga panahong iyon ay marami nang pangangailangan.

“Tingnan mo kung magbiro ang (Diyos), sobra-sobra talaga. Kaya mahal na mahal siya (ni tito Dolphy) at mahal na mahal din niya.”

Kaya laging pinagpapala si Willie ay dahil butas ang palad niya, may nilalabasan at may pinapasukan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Isa sa pinaka-emosyonal na tao, isa sa pinakamaligaya kapag nakatutulong, si Willie Revillame,” saad ng CFM host.

Related Chika:
Labi ni Comedy King Dolphy hindi na ililipat ng pamilya sa Tanay, Rizal bakit kaya?

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending