Labi ni Comedy King Dolphy hindi na ililipat ng pamilya sa Tanay, Rizal bakit kaya? | Bandera

Labi ni Comedy King Dolphy hindi na ililipat ng pamilya sa Tanay, Rizal bakit kaya?

Ervin Santiago - November 01, 2021 - 08:58 AM

Dolphy

HINDI na itutuloy ng pamilya ng yumaong Comedy King na si Dolphy ang paglilipat sa kanyang labi mula sa Heritage Park sa Taguig patungong Tanay, Rizal.

Tuwing sumasapit ang Undas, hindi lang ang mga anak, mga katrabaho at mga kaibigan ni Mang Dolphy ang dumadalaw sa kanyang puntod kundi pati na rin ang kanyang mga fans.

Ito marahil ang isa sa mga naging dahilan kung bakit hindi na ita-transfer ang labi ng komedyante (pumanaw noong July 10, 2012) sa ipinatatayong museum at chapel  ng kanyang mga anak at dating partner na si Zsa Zsa Padilla sa isang property nila sa Tanay.

“We wanted his columbarium to be inside the chapel in Tanay. When he was placed at Heritage, there was no columbarium right away. That was the idea before,” ang pahayag ng anak ni Dolphy na si Epy Quizon sa panayam ng ABS-CBN.

“But we decided na huwag na lang naming galawin si Daddy. I think he’s happy there (Heritage Park),” aniya pa.

Samantala, dahil nga sarado ang mga sementeryo ngayong All Saint’s Day, Nov. 1 dahil sa ipinatutupad na health protocols dulot pa rin ng pandemya baka sa ibang araw na lamang sila dumalaw sa puntod ng ama.

“Eric has been religiously going there. Ako, dumadaan ako even on an ordinary day. I always ask dad for guidance and help,” sabi pa ng award-winning actor.

https://bandera.inquirer.net/286212/museum-ni-dolphy-resort-hotel-ni-zsa-zsa-quizon-family-itatayo-sa-batangas
Samantala, ibinalita rin ni Epy na magsisimula na ang construction ng Dolphy Manor sa Dolphy Ville Estates na matatagpuan sa Calatagan, Batangas na pinasinayaan na noong November, 2020. Dito rin itatayo ang plano nina Epy at Zsa Zsa na Dolphy Museum.

“’Yung mga ibang gamit ni Daddy, nandoon na sa Calatagan. His films are with ABS-CBN, because they have the rights for RVQ Productions and they restored five films already and some more in the future,” ani Epy.

Bukod sa mga tropies at iba pang mahahalagang memorabilia ni Mang Dolphy, idi-display din sa nasabing museum ang mga sasakyan ng Comedy King. Ani Epy, “We also kept two cars. Yung pang-taping niya na Mark III and his two-door Mercedes. That was his first Mercedes.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sisimulan ang pagpapatayo ng Dolphy Museum kapag nagsimula na rin ang construction ng Dolphy Manor, “Then, we will have the date when the museum will also open. They can estimate how long will the construction last.”
https://bandera.inquirer.net/289197/zsa-zsa-inalala-ang-ika-93-kaarawan-ni-dolphy-you-will-always-be-in-my-heart-lovey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending