Kris Aquino, Bongbong Marcos napagbati ni Lolit Solis noon: Shocked pa nga si Tita Cory ng lumabas sa news | Bandera

Kris Aquino, Bongbong Marcos napagbati ni Lolit Solis noon: Shocked pa nga si Tita Cory ng lumabas sa news

Therese Arceo |March 12,2022
facebook
share this

Kris Aquino, Bongbong Marcos napagbati ni Lolit Solis noon: Shocked pa nga si Tita Cory ng lumabas sa news

Therese Arceo - March 12, 2022 - 01:44 PM

Kris Aquino, Bongbong Marcos napagbati ni Lolit Solis noon: Shocked pa nga si Tita Cory ng lumabas sa news

MULI na namang nakatatanggap ng batikos ang Queen of All Media na si Kris Aquino matapos ang kanyang pakiusap sa mga taga-suporta patungkol sa kulay ng heart emojis na dapat gamitin.

Sa kanyang latest Instagram post kasi kung saan nagbahagi siya ng update tungkol sa kanyang kalusugan ay bumuhos ang mga comments mula sa mga netizens na nagmamahal sa kanya.

Isang comment ang napansin ni Kris mula sa isa sa kanyang fan page kung saan nakiusap siya na kung maaari ay kulay dilaw na heart emoji na lang ang gamitin nito o kaya ang pink heart with a yellow ribbon emoji na lamang instead of the red heart emojis.

Marami naman ang nagmasama ng simpleng hiling ni Tetay kaya naman katakot-takot na pambabash na naman ang natatanggap niya.

Hindi naman maiwasang maawa ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis para sa kanyang kaibigan.

“Naawa naman ako sa bashing na tinanggap ng request ni Kris Aquino na gawin kulay dilaw ang puso ng pagbati sa kanya instead of red,” saad ni Nanay Lolit Solis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Wala namang binanggit na rason si Tetay sa kanyang request pero gets naman na agad ng mga tao kung bakit ayaw niya ng kulay pula.

Pagpapatuloy ni Manay Lolit, “Wala naman sigurong malisya iyon , pero dahil red ang color ng Bongbong Marcos camp duon naglagay ng malisya.”

Matapos mabanggit ang presidential candidate ay naikwento niya ang minsang pagkikita nito at ni Kris sa isang TV station.

Noong mga panahon raw na ‘yun ay kababalik lang ng pamilya nina Bongbong sa Pilipinas mula sa ibang bansa.

“Buhay pa si Tita Cory Aquino nuon pero nagawa kong pagbatiin sila Bongbong at Kris nang magkita sa TV station,” sey ni Manay Lolit.

Aniya, isa iyong sa malalaking balita noon dahil first time na nangyari na ikinagulat pa ng ina ni Kris na si dating Presidente Corazon “Cory” Aquino,

“Big news iyon nuon dahil nga first time nangyari, shock pa nga si Tita Cory ng lumabas sa news, hah hah hah,” lahad niya.

“Kaya siguro naman walang ibig sabihin iyon request ni Kris, baka lang talagang color yellow o pink ang gusto niya para maiba lang.

Kaya naman sa tingin ni Manay Lolit ay wala namang ibig sabihin ang request ni Kris at baka trip pang nito ng ibang kulay gaya ng yellow at pink para maiba naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nabanggit rin niya na sana ay huwag nang dagdagan pa ang stress ni Kris lalo na at may pinagdaraanan ito sa kanyang kalusugan.

Pakiusap pa ni Manay Lolit, “Pray na lang natin na maging happy siya dahil in fairness, naughty lang siya pero walang mean bone. Isa nga siya sa pinaka soft hearted person na kilala ko, kaya no more bashing for her, spare her. Just pray for her.”

Related Chika:
Sharon Cuneta sa nagsasabing nang-agaw sila ng campaign color: Go find your own color!
Bakit ‘bawal’ nang maglabas si Karen Davila ng mga Presidential interview sa kanyang vlog?
Kris Aquino may request sa mga taga-suporta: Can you use yellow hearts?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending