Bakit 'bawal' nang maglabas si Karen Davila ng mga Presidential interview sa kanyang vlog? | Bandera

Bakit ‘bawal’ nang maglabas si Karen Davila ng mga Presidential interview sa kanyang vlog?

Ervin Santiago - January 27, 2022 - 07:14 AM

Karen Davila

BAWAL nang mag-interview ng mga kakandidato sa darating na May, 2022 elections ang Kapamilya  broadcast journalist na si Karen Davila.

Ito ang kinumpirma ng news anchor sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories matapos makatanggap ng sandamakmak na request mula sa mga netizens.

Ayon kay Karen, hindi na raw muna siya maglalabas ng political interviews sa kanyang YouTube channel lalo na ngayong campaign period.

Isa nga sa mga dahilan ay ang pagiging tagapagbalita niya sa news program ng ABS-CBN, ang “TV Patrol.” 

Kahapon, Jan. 25, nagbahagi ng mensahe si Karen sa kanyang mga socmed followers, pati na sa subscribers niya sa YouTube na  humihiling ng maglabas din siya ng presidential aspirants interview tulad ng ginawa ni Jessica Soho.

“I have read all your messages and am getting several requests to feature some of your favorite candidates or do Presidential interviews on the channel.

“Having joined TV Patrol last October as one of its news anchors, I am restrained from doing political interviews on my vlog specially during this campaign period. Tama po ito,” pahayag ng veteran broadcast journalist.

Katwiran pa niya, “Kung mapapansin nyo po, ang huling political personality na naka-usap ko ay si Dr. Willie Ong, at inilabas ko po yon bago po ako sumali ng TV Patrol.

“I am part of a larger news team. Bahagi po ako ng ABS-CBN News. Lahat po ng may kinalaman sa eleksyon ay karapat dapat lumabas lamang sa ABS-CBN o sa ANC,” aniya pa.

Sa huling bahagi ng kanyang mensahe, nangako naman ang news anchor na ipagpapatuloy niya ang paggawa ng mga makabuluhang vlog sa mga susunod na araw.

“We will continue to do inspiring life stories on my channel! To God be the glory always!” paliwanag ni Karen Davila.

View this post on Instagram

A post shared by Karen Davila (@iamkarendavila)

https://bandera.inquirer.net/302387/karen-davila-pamilya-tinamaan-na-rin-ng-covid-19-we-are-recovering-quite-well

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/302387/karen-davila-pamilya-tinamaan-na-rin-ng-covid-19-we-are-recovering-quite-well

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending