Sharon Cuneta sa nagsasabing nang-agaw sila ng campaign color: Go find your own color!
BAGO natulog si Sharon Cuneta kagabi ay ipinost niya ang kulay green sa kanyang Facebook page na kulay ng suot ni Senador Kiko Pangilinan nang mag sumite siya ng kanyang Certificate of Candidacy bilang bise-presidente ng bansa.
Ayon sa aktres ay isang dekada ng kulay ito ni Kiko simula pa noong kumandidato siya sa pagka-senador.
Ang caption ng Megastar, “It is funny how some people are claiming that GREEN is “THEIR” color. May nagsasabi pa inaagaw daw namin! Since Kiko first ran for the Senate in 2001, green na ang kulay niya/namin! So go find your own color. Please (emojis green hearts and praying hands). #lenikiko2022 #Tropa.
Nag-react naman ang Masbate Talks Socio-Political, Cultural & Governance, “OMG Sharon Cuneta seriously? you wanted a fight over color???? You wanna go down to that path? This is not going to help Kiko at all particularly that he was in the government for 20 years without notable and impressive accomplishments.”
Sumang-ayon din ang isang netizen, “Masbate Talks Socio-Political, Cultural & Governance, Nakakadismaya, tsk tsk tsk, ang tagal na hinangaan sa pagiging Megastar, dahil lang sa kulay nakikipag-away.”
Sinundan din ni @Missie Madeleine Steph, “Your ranting’s does not equate to votes. Sorry my family will never vote for your preferred politics. And pls. do not drag down the current admin to your dramas. For many years your husband’s politics never elevated the poverty of the Filipinos and you want us to agree with you? Nay!”
Ang supporter ni Sharon na si @JJ Cudiamat ay may nasabi rin, “Hala? Bakit ka nagkakaganyan Ate Shawie? I’m one of your fans but sad to say your attitude towards this election and the campaign is such a big turn off. Anyway, no problem, inyo na ‘yang green… ok na?”
Marami pa kaming nabasang halos iisa ang sinasabi na hindi nila iboboto ang asawa ni Sharon na si senador Kiko sa pagka-bise presidente ng bansa.
Prior to this color green post ay nag-post ng mahabang hinaing niya si Sharon sa mga nangyayari ngayon sa administrasyon at inasahan din niyang kukuyugin siya ng trolls.
Aniya, “I was already expecting lots of trolls and haters to descend on this page once I posted about VP Leni and Kiko. Sadly, this is what this present administration has created and instilled in our people.
“Now, lumalabas na ang pagkabastos at pagkawalang disente ng marami sa ating mga Pilipino. Kundi na tayo marunong rumespeto sa isa’t-isa, paano tayo rerespetuhin ng mundo?
“Nasaan na ang tunay na bayanihan? Noong araw, nagre-respetuhan tayo ng kanya-kanyang paniniwala at kandidato pag kampanya at eleksiyon na. Magkakitaan na lang sa kung sinu-sino ang mahalal.
“Ngayon, ganito na- bastusan. ‘Yan ang dapat ma-erase. Maibalik sana natin ang ating pagkadisente at pagiging kagalang-galang. Piliin ninyo ang mga pinuno na may takot sa Panginoon – ‘yung hindi tinatawag ang Diyos na “STUPID.”
“Ang walang paniniwala sa Panginoon ay nakakatakot mamuno, dahil ang Diyos niya ang ang sarili niya. Pumili kayo ng mga walang bahid ng korupsyon, may tapat na hangaring makapaglingkod at protektahan tayo.
“Hindi ‘yung wala na ngang trabaho ang mga kababayan natin, gutom na wala pang ayuda, ang bakuna kulang na nga pinababayaran pa – pero ang mga di makasagot kung saan na napunta ang bilyong-bilyong piso na napunta sa Pharmally pero kitang-kita ang mga magagarang sasakyan at biglang pagyaman ng mga kasali diyan, yun ang pinagtatakpan at pinoprotektahan.
“Magising na po tayo. Di na makausad ang Pilipinas! Tama na ang pambobola sa atin. Tama na ang pinagtatawanan ang Pilipino ng mundo. Naway tulungan tayo ng Panginoong Diyos. God bless us all po!”
Binasa ulit namin ang ilang komento na umabot na sa 6.1k habang sinusulat namin ito at puro nega ulit ang sabi ng netizens at may mga naglagay pa na hindi nila iboboto ang asawa ni Sharon at binanggit kung sino ang isusulong nilang Presidente #BBM.
Karagdagang ulat:
Campaign color ng ama ni Ella Cruz walang konek kay VP Leni; farm hunting ni Xian napurnada
#SanaAll: Kiko ibinandera ang paglalambing sa asawang si Sharon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.