Campaign color ng ama ni Ella Cruz walang konek kay VP Leni; farm hunting ni Xian napurnada
NILINAW ng aktres na si Ella Cruz na walang kaugnayan kay VP Leni ang campaign color ng kaniyang ama.
Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi nito ang litrato ng kaniyang pamilya kung saan lahat sila ay naka-pink bilang pagsuporta sa pagkandidato ng ama bilang alkalde sa Angat, Bulacan.
Aniya, matagal na raw nilang naihanda ang pink bilang campaign color ng ama, bago pa ito nag-viral dahil sa mga supporters ni VP Leni.
“Our PINK doesn’t define who’s ‘our nation leader’. Last month pa naka-ready na pink kami. INDEPENDENT po tatakbo ang Papa ko, walng kapartido, kaming pamilya lang,” saad ng aktres.
“Nauna kami sa pink. Kaso maliit na bayan lang naman ang Angat di naman pang buong bansa,” dagdag pa bito sa comment section.
Si Ella Cruz o si Gabriella Annjane Cruz sa tunay na buhay ay nakilala sa kaniyang role bilang si Aryana sa kanyang fantasy series na may parehas na title.
***
Naantala naman ang “farm hunting” trip ng Kapuso actor na si Xian Lim sa Tanay.
Sa kaniyang latest vlog ay ibinahagi nito na nais niya na magkaroon ng farm malapit sa kaniyang tahanan.
“Matagal ko na rin ‘tong gustong gawin, matagal ko nang gudtong magkaroon ng sabihin na nating farm or like a placr ba close by sa bahay,” pagbabahagi ng aktor.
Ngunit hindi ito natuloy dahil mayroong COVID-19 checkpoint nang makarating na siya sa Marilaque Road at hindi na siya makakapasok papuntang Tanay, Rizal.
“May checkpoint na po at hindi na po kami makakalusoy para tignan ang lupain. Ang City of Tanay ay kasalukuyang under quarantine at tayo’y hindi makapasok para tignan ang hektaryang lupain na ninanais ko,” saad niya.
Matapos nga nito ay nagpasya na lang siya pati ang mga kaibigan nito na kumain na lang ng breakfast sa isang kainan sa Baras dahil kinakailangan nilang sumunod sa health and safety protocols dulot ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.