#SanaAll: Kiko ibinandera ang paglalambing sa asawang si Sharon | Bandera

#SanaAll: Kiko ibinandera ang paglalambing sa asawang si Sharon

Therese Arceo |August 04,2021
facebook
share this

#SanaAll: Kiko ibinandera ang paglalambing sa asawang si Sharon

Therese Arceo - August 04, 2021 - 04:45 PM

SINALUBONG ng sweet welcome banners at naggagandahang bulaklak si Sharon Cuneta nang makabalik sa Pilipinas mula sa pamamalagi sa Amerika.

Hindi man niya agad makakasama ang pamilya dahil kailangan nitong sumailalim sa 10-day quarantine, hindi naman pumalya ang mga ito na iparamdam rito kung gaano sila kasaya sa muling pagbabalik ng Megastar.

Hindi naman papatalo si Sen. Kiko Pangilinan sa mga welcome banners na ginawa ng mga anak dahil nagpadala rin ito ng mga bulaklak at dedication card bilang paglalambing sa kadarating lang na asawa.

“Sweetheart, Welcome home! We missed you so much. Prayed for you everyday. Praying for your good health and safety,” panimula ni Sen. Kiko sa dedication card.

“Please let me know what take out food you want! Chicharon bulaklak? Kare kare? Crispy pata from Barrio Fiesta?” dagdag pa nito.

Mukhang isa ang mga pagkain sa paraan ng pagpapakita ni Sen. Kiko kay Megastar. Sabagay, sino nga ba ang hindi sasaya kung ibibigay sa’yo ang lahat ng mga paborito mong pagkain?

Ang sigaw ng netizens, sana all may Kiko!

Malungkot man ang actress-singer dahil kailangan pa niyang hintaying matapos ang 10-day quarantine niya bago tuluyang makauwi sa kanilang tahanan, patuloy namang pinaparamdam ng pamilya na hindi siya nag-iisa sa kanyang quarantine period.

Sa kanyang Instagram post, ipinaalam rin ng Megastar na magbabalik na ulit ito sa trabaho.

Showing na rin ang kanyang bagong pelikula na pinamagatang “Revirginized” sa Biyernes, August 6 na mapapanood sa Vivamax.

Ibang Sharon Cuneta naman ang makikita sa new movie na ito at siguradong magpapa-wow sa madlang pipol. Ilan sa mga kasama ng actress-singer sa “Revirginized” ay sina Marco Gumabao, Rosanna Roces, Kylie Versoza, at Albert Martinez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending