John Arcilla 'pumanaw' na sa 'Dirty Linen', sigaw ng netizens: 'GAADDAAAMMIIITT' | Bandera

John Arcilla ‘pumanaw’ na sa ‘Dirty Linen’, sigaw ng netizens: ‘GAADDAAAMMIIITT’

Alex Brosas |May 26,2023
facebook
share this

John Arcilla ‘pumanaw’ na sa ‘Dirty Linen’, sigaw ng netizens: ‘GAADDAAAMMIIITT’

Alex Brosas - May 26, 2023 - 05:20 PM

John Arcilla 'pumanaw' na sa 'Dirty Linen', sigaw ng netizens: 'GAADDAAAMMIIITT'

HINDI makapaniwala ang fans ni John Arcilla na wala na ang kanyang karakter bilang si Carlos Fiero sa Kapamilya teleserye na “Dirty Linen”.

Ang latest eksena kasi ay may nakuhang sunog na bangkay na pinaniniwalaang si Carlos dahil nakasuot ito ng kanyang favorite na relo.

Sa tuwa ni John sa isang fan na nag-comment na “bakit namatay ka sa dirty linen?” at “nakakastress, dapat nun nasunog tumakbo ka pa kesa tumawag kay Leona” ay ipinost niya ito sa kanyang Instagram account.

“Hehe ka-touch lang po na KUNG GAANO NILA KA WISH DATI NA MAMATAY NA SI HIPOLITO sa FPJ AP, our followers are wishing for Carlos Fiero na sana Buhay pa. SALAMAT naman po sa mga NAGMAMAHAL. Lets keep on watching DL! Salamat po and HAPPY WEEKEND! God bless everyone!”

Hindi naman naniniwala ang viewers ng “Dirty Linen” na patay na nga ang Carlos character ni John. Ang feeling nila ay pinagpahinga lang ito dahil may ginagawa siyang project with Daniel Padilla.

“Di ka pa patay Carlos, feel ko may taping lang kayo ni Supremo DP. Di sapat na mamatay lang kayo, dapat niyo munang maranasan ang hirap na pinadama niyo kila Alexa, Abe, Lala, at Max.”

“I think d sya patay kasi d sya nagpaalam at nagpasalamat sa social media nya.”

Baka Bet Mo: John Arcilla super excited na sa shooting ng suspense-thriller na ‘The Guest’: ‘Kasi for the first time si Daniel ang kontrabida, ako ang bida’

“KAMI NAMAN NANG KASAMA KO TAWANG TAWA KAMI LAGI SA ‘GAADDAAAMMIIITT’ PAG YAN MARIRINIG NAMIN TAWANG TAWA NA KAMI KAYA AYUN MINSAN NAPA ‘GAADAAMIITT ‘ NA RIN KAMI , NAHAWA NA.”

“@johnarcilla gusto ng mga tao makita reaction ni carlos kapag nalaman niyang buhay pa si olga at matutuloy ang #leolga. mukhang si olga at si mila lang ang hindi na patay ni carlos.”

“Feeling ko magkasabwat kay Sir Carlos d ako naniniwalang patay ka na. Nararamdaman ko buhay ka pa. Kilala kita. Alam ko galawan moo ni Ador at tinago ka lng niya para hanapin sila lala! Hahahahahh.”

“Sana may kumuha lng Kay carlos. balik ka uli sa dirty linen idol ma mimiss ko Yun pag nagagalit ka Ang galing e!”

“Mag unsubscribe na ko sa iwanttfc. wala na si Carlos Fiero. Gaddammit gaddammit gaddammit!”

‘Yan ang mga comment sa post ni John at hindi na kami nagulat dahil love na love siya ng mga televiewers kahit na kontrabida ang kanyang ginagampanan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related  Chika:
Kim Chiu nagpatayo ng bahay para sa pamilya; John Arcilla super thankful matapos operahan ang alagang aso

John Arcilla puring-puri si Francine Diaz: ‘Isa ka sa mga batang artista ngayon na gustung-gusto kong makasama’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending