John Arcilla napamura sa Fast Talk, Boy nag-sorry; TF kayang isakripisyo

Boy Abunda, John Arcilla at Martin del Rosario
NAGMURA ang internationally-acclaimed actor na si John Arcilla sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” na siguradong ikinabigla ng mga manonood.
Ngunit in fairness, naiintintidahan naman ng viewers ang pagmumura ni John na hindi naman talaga niya sinasadya dahil na-carried away lamang siya sa ibinigay na challenge ni Tito Boy.
Humingi naman agad ng dispensa si John pati na rin ang King of Talk sa mga manonood sa umereng live episode ng programa kahapon, February 5.
Sumabak kasi si John pati na ang co-star niya sa GMA Prime series na “Lolong” sa acting challenge with a twist kung saan idadaan nila sa aktingan ang pagsagot sa mga tanong ni Tito Boy.
Hindi namin napanood ang nasabing episode pero sa ulat ni Jojo Gabinete sa Pep.ph, ang naging tanong ni Tito Boy kay John ay, “What makes you angry?”
Baka Bet Mo: John Arcilla nag-ala Joshua Garcia, netizens aliw na aliw
Tugon ng beteranong aktor na may halong galit at gigil, “Yung mga nagsasamantala ng maliliit na tao at walang pakialam sa paghihirap ng iba! Punyeta!!!!”
Ang naging sagot ng award-winning actor ay may konek sa nagmarkang dialogue niya sa pelikulang “Heneral Luna” na ipinalabas sa mga sinehan noong 2015.
View this post on Instagram
Kasunod nito, nagbigay ng pahayag si Tito Boy, “Nay, Tay, Kapuso, patawad po dun sa word na may ‘P’ ni John. It was in context.”
Sabi naman ni John, “Sorry, I’m sorry. Live nga pala ito. Ipinasok ko lang po si Heneral Luna.”
Pinanood namin ang naturang episode sa YouTube pero na-cut na ang hindi sinasadyang pagmumura ni John.
Samantala, sinabi rin ng veteran actor na handa niyang isakripisyo ang pera o talent fee kapalit ng paggawa ng de-kalibreng mga proyekto.
“Magiging praktikal ako. Ako hina-haggle ko lagi na parehong pantay ang aking sining at pantay ang aking presyo. Hindi ako pumapayag na quality lang, walang financial gain, hindi ako pumapayag na financial gain lang, walang quality,” ang pahayag ng aktor.
“Hangga’t maha-haggle ‘yan ng management ko, doon ang standard ko. Pero kapag may kailangang i-sacrifice, it’s money. It’s really money.
“Sina-sacrifice ko kapag sinabi na ‘Ito lang talaga,’ pero gusto ko. Okay lang,” ang sey pa ni John.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.