John Arcilla nag-ala Joshua Garcia, netizens aliw na aliw | Bandera

John Arcilla nag-ala Joshua Garcia, netizens aliw na aliw

Therese Arceo |January 28,2022
facebook
share this

John Arcilla nag-ala Joshua Garcia, netizens aliw na aliw

Therese Arceo - January 28, 2022 - 08:51 PM

John Arcilla nag-ala Joshua Garcia, netizens aliw na aliw

VIRAL agad ang TikTok video ng beteranong aktor na si John Arcilla kung saan ginaya niya ang first TikTok video entry ng Kapamilya star na si Joshua Garcia.

Nakisali na rin nga ang “Heneral Luna” lead star sa hype at ginawa na rin ang kanyang version ng “Ginseng Strip 2002” na trending sa nasabing video sharing app.

May pabirong request pa nga si John at sinabing siya naman daw ang paabutin mg 100 million views.

“Tatay naman ni Joshua ang pahandred milyunin n’yo ah,” caption ni John.

@johnarcilla4fpun Tatay naman ni Joshua ang Pahandred Milyunin nyo ah 😝😝😝🙄😂😂😂✌️#fyp #thankyou2Mfollowers #angprobinsyano #heneralluna #hagorn #johnarcilla ♬ original sound – John Arcilla

Sa ngayon nga ay umabot na ng 1.3 million views ang TikTok video ng beteranong aktor at mayroon na itong 240 thousand likes at 8,227 comments.

Marami naman sa mga netizens ang naaliw sa ginawang video ng aktor na si John.

“Kaya pla hindi mu makita si Cardo puro ka tiktok hahaha,’ comment ng isang netizen.

“Negosyo kalayaan, bayan, sarili o TikTok? Pumili ka!” saad naman ng isa pang netizen.

“Galing mo idol ko… kahit hindi ka seryoso pero interesting pa rin tingnan… Sending love! Ingats idol everyday,” puri naman ng isang netizen.

Samantala, kasalukuyan namang napapanood si John Arcilla sa Kapamilya teleserye na “FPJ’s: Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Kamakailan rin ay ipinamalas ni John ang ang kanyang husay sa pgkanya nang sumali ito sa Broadway medleyvng mga Kapamilya singers noong 2021 ABS-CBN Christmas Special kung saan kinanta niya ang “Music of the Night” mula sa “Phantom of the Opera kasama si Nyoy Volante.

Ibinahagi rin niya sa social media ang kanyang pagkanta ng “Bituing Walang Ningning” ni Sharon Cuneta kung saan kasama niyang umawit ang kanyang “Ang Probinsyano” co-star na si Tirso Cruz III.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
John Arcilla walang inayawang trabaho kahit may pandemya: Pero sa akin, health pa rin ang priority
John Arcilla namatayan ng 10 mahal sa buhay sa loob ng 1 taon ngayong panahon ng pandemya

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending