John Arcilla puring-puri si Francine Diaz: 'Isa ka sa mga batang artista ngayon na gustung-gusto kong makasama' | Bandera

John Arcilla puring-puri si Francine Diaz: ‘Isa ka sa mga batang artista ngayon na gustung-gusto kong makasama’

Ervin Santiago |January 29,2023
facebook
share this

John Arcilla puring-puri si Francine Diaz: ‘Isa ka sa mga batang artista ngayon na gustung-gusto kong makasama’

Ervin Santiago - January 29, 2023 - 07:21 AM

John Arcilla puring-puri si Francine Diaz: 'Isa ka sa mga batang artista ngayon na gustung-gusto kong makasama'

Francine Diaz at John Arcilla

SA wakas natupad na ang isa sa mga pangarap ng Kapamilya young actress na si Francine Diaz. Yan ay ang makasama sa isang project si John Arcilla.

Magkasama ngayon sa pinag-uusapang serye ng ABS-CBN na “Dirty Linen” sina John at Francine na gumaganap na mag-ama sa kuwento.

Ayon sa award-winning actor na si John Arcilla, masaya siya na nakatrabaho niya sa “Dirty Linen” si Francine dahil alam niyang napakagaling din nitong artista base sa mga napanood niyang mga teleserye ng dalaga.

“I am so happy kasi isa ka sa mga batang artista ngayon na gustung-gusto kong makasama. Yes, I’m so happy and I am so excited na naging anak kita rito,” ang sabi ni John kay Francine nang mag-guest sila sa “Inside News” ng Star Magic.

Ayon naman kay Francine, matagal na niyang gustong makasama sa isang teleserye at pelikula ang veteran actor na umani na ng parangal at acting awards mula sa mga iba’t ibang local and international award-giving bodies.

“Actually dad (John Arcilla) favorite ko po talaga ang ‘Heneral Luna’ at ever since po ay gusto ko na po kayong maka-work and ito na po ‘yon,” sey ni Francine.

Samantala, mainit pa ring pinag-usapan sa social media ang mga kapana-panabik na eksena sa “Dirty Linen” matapos makakuha ang pilot episode nito ng iba’t ibang trending topics kabilang na ang official hashtag na #DLMissing4 na nakakuha ng higit 40,000 tweets.

Tinutukan ng mga manonood kung paano nalamon sa galit at nangakong maghihiganti si Alexa (Janine Gutierrez) laban sa pamilya Fiero matapos mapatay ng makapangyarihang pamilya ang nanay niyang si Olivia (Dolly de Leon), kabilang din ang tatlo pang kasambahay.

Inulan ng iba’t ibang papuri ang serye partikular na ang mga makapigil-hiningang mga eksena, musical scoring, at ang mahusay na pagganap ng mga bidang sina Janine, Zanjoe Marudo, Francine Diaz, Seth Fedelin, Angel Aquino, John Arcilla, Janice De Belen, Epy Quizon, at Tessie Tomas.

Trending sa Twitter Philippines ang #DirtyLinen, #DLMissing4, Francine as Chiara Fiero, Seth Fedelin, Nico Sinag, Dolly De Leon, Angel Aquino, at #JanineGutierrez at inaabangan na ng netizens ang mga susunod pang matitinding kumprontasyon.

“What a pilot episode! The first episode sent me on an emotional roller coaster that left me gasping for air and compelled me to keep watching to find out what would happen next. You’ll be entranced by the musical scoring of dirty linen #DirtyLinen,” sabi ni @jnthncrtz27 sa Twitter.

“May ganito talagang local series? Ganito ang WORLD CLASS. Napakaganda! Napakahusay ng pilot episode. Nag-uumpisa pa lang, hindi mo na mapipigil ma-excite,” tweet ni @tinosantinooo.

“NW: #DirtyLinen. Sure enough, this would be my newest addiction. This is the kind of genre i wished & waiting to watch in a TV. This isnt just a teleserye, THIS IS GENUSELY MASTERPIECE psycho TS. Goosebumps! Pilot episode pa lang, pati commercial ayaw kong palagpasin,” sabi naman ni @iamanjelofactor.

Sa pagpapatuloy ng kwento, sagad na sa galit si Alexa kaya sisimulan na niya ang kanyang paghihiganti at papasok siya bilang kasambahay ng mga Fiero.

Dahan-dahan niyang iimbestigahan ang mga itinatagong sikreto ng pamilya at magsisimula siya sa pang-aakit kina Aidan (Zanjoe) at Ador (Epy) sa tulong ng kanyang mga kaibigang sina Rolando (Joel Torre), Max (Christian Bables), at Lala (Jennica Garcia).

Huwag palampasin ang “Dirty Linen” gabi-gabi ng 9:30 p.m. sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Mga bida at kontrabida sa ‘Dirty Linen’ bardagulan sa aktingan, Dolly de Leon agaw-eksena agad

Francine Diaz, Seth Fedelin magtatambal sa seryeng ‘Dirty Linen’, comment ni Andrea Brillantes: Congrats!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tessie Tomas napanganga sa mansiyon na gagamitin sa ‘Dirty Linen’: OMG! Milyon ang ginasta, wala ditong fake!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending