IU, Park Bo-gum magpapakilig sa ‘When Life Gives You Tangerines’
GET ready mga ka-BANDERA! Babandera na kasi ang masayang kwento ng buhay at pag-ibig dahil sa pinakabagong K-Drama na “When Life Gives You Tangerines.”
Ang magpapakilig diyan ay ang sikat na Korean stars na sina IU at Park Bo-gum!
Ang kwento ay umiikot kay Ae-sun na isang “remarkable rebel,” at Gwan-sik na ang role ay isang “unyielding iron,” habang tinatahak nila ang iba’t ibang yugto ng buhay sa makulay na Jeju Island.
Sa key art, makikita sina IU at Park Bo-gum na sweet na sweet silang magkahawak-kamay sa gitna ng canola field na puno ng mga bulaklak.
Baka Bet Mo: K-drama stars Lee Jong Suk at IU ‘dating’ na: ‘From a close colleague relationship to a loving relationship’
Suot ang kanilang school uniforms at tracksuits, kapansin-pansin ang magkaibang vibes nila—si Ae-sun na confident at si Gwan-sik na mukhang awkward pero cute!
Sa trailer naman, ipinasilip ang refreshing na tanawin ng Jeju Island—mula sa mga taniman ng tangerine, canola fields, at dagat.
Bukod diyan, makikita rin ang masasayang moments nina Ae-sun at Gwan-sik: may kulitan, asaran, at kilig na siguradong tatagos sa puso ng viewers.
Nakakaengganyo ang chemistry nina IU at Bo-gum na parang totoong magka-love team.
Siguradong maraming manonood ang makaka-relate sa mga nakakatuwa at nakakaantig na eksena ng serye.
Ang “When Life Gives You Tangerines” ay mapapanood na sa March 7 sa Netflix.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.