K-drama stars Lee Jong Suk at IU ‘dating’ na: ‘From a close colleague relationship to a loving relationship’
YES, yes, mga ka-Marites! Confirmed! “Dating” na nga ang status ng sikat na sikat na Korean drama stars na sina Lee Jong Suk at IU.
Mismong ang talent agency na ni Lee Jong Suk na High Zeum Studio ang nagkumpirma ngayong araw, December 31, na nagkakamabutihan na nga ang dalawang K-Drama stars.
Ayon High Zium Studio, “from a close colleague relationship to a loving relationship” na ang peg nina Lee Jong Suk at IU.
View this post on Instagram
Narito ang official statement ng nasabing talent management na isinalin sa English ng online news site na Soompi.
“Hello, this is High Zium Studio.
“We would like to share our official position regarding the exclusive report regarding Lee Jong Suk.
“Actor Lee Jong Suk recently progressed his relationship with IU from a close colleague relationship to a loving relationship and the two continue to serious meet each other.
“We ask for your support so that they can continue their beautiful love.”
View this post on Instagram
Ibinuking ngayong araw ng South Korean news outlet na Dispatch na four years nang nagdi-date sina Lee Jong Suk at IU at magkasama ngang nag-celebrate ng Pasko sa Nagoya, Japan.
Naging usap-usapan din ang acceptance speech ni Lee Jong Suk sa ginanap na 2022 MBC Drama Awards kagabi, December 30.
Nanalo ang Korean star ng grand prize o Daesang para sa serye niyang “Big Mouth” at sa kanyang speech ay nabanggit nga niya ang tungkol sa inspirasyon niya ngayon at pinaalalahanan pang harapin ang anumang takot sa kanyang career.
Agad namang natunugan ng mga fans na si IU nga ang tinutukoy ng aktor.
Ani Lee Jong Suk sa kanyang speech, “I had a lot of worries, fears, and anguish after completing my military service, but there was a person who helped me think positively and go in a good direction.
“I want to take this moment and say that I’ve liked you a lot for a long time, and I respect you so much,” dagdag pa niya.
Napanood si IU sa mga K-drama na “Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo” (2016) at “Hotel De Luna” (2019). Siya rin ang nasa likod ng mga award-winning songs na “Good Day,” “Blueming,” at “Celebrity”
Bumida naman si Lee Jong Suk sa mga K-drama na “Pinocchio” (2014), “Two Worlds” (2016), “While You Were Sleeping” (2017), at “Big Mouth” (2022).
Matatandaang unang nagkakilala sina IU at Lee Jong Suk nang maging co-hosts sila sa programang “Inkigayo” 10 taon na ang nakararaan.
3 K-drama superstar nagsama-sama sa action-drama na ‘Decibel’, sunud-sunod ang pasabog bawat eksena
The Clash graduate Jong Madaliday ipatatayo na ang dream house para sa pamilya
Sanya Lopez, Jak Roberto nagluluksa sa pagkamatay ni Jong Jong: Sobrang sakit na mawala ka sa amin
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.