Sanya Lopez, Jak Roberto nagluluksa sa pagkamatay ni Jong Jong: Sobrang sakit na mawala ka sa amin | Bandera

Sanya Lopez, Jak Roberto nagluluksa sa pagkamatay ni Jong Jong: Sobrang sakit na mawala ka sa amin

Ervin Santiago - May 25, 2022 - 06:38 AM

Jak Roberto, Sanya Lopez at Jong Jong

NAGLULUKSA ngayon ang magkapatid na Sanya Lopez at Jak Roberto sa pagpanaw ng alaga nilang aso na si Jong Jong.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinalita ng Kapuso actress sa kanyang mga fans and social media supporters na pumanaw na ang pinakamamahal nilang fur baby na si Jong Jong.

Nag-share si Sanya ng litrato nila ng aso sa IG kung saan sinabi niya na talagang mami-miss nila nang bonggang-bongga si Jong Jong na naging bahagi na rin ng kanilang pamilya.

“Wala nang makikipag unahan sa ’kin sa treadmill. Yung ikaw lang yung laging nakatingin sa camera ‘pag may picturan na. Ikaw laging unang nakakaramdam ‘pag may pinagdadaanan ako.

“Wala nang manonood sa ’kin at iki-kiss ako ‘pag umiiyak ako. I love you so much, Jong Jong.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)


“Sobrang sakit na mawala ka sa ’min. Thank you sa panahon na pinahiram ka sa’min para pasayahin kami,” ang madamdaming caption ng “First Lady” leading lady sa kanyang IG post.

Idinaan din ng kapatid ng Kapuso star na Jak sa Instagram ang pamamaalam niya kay Jong Jong, “You will always be in our hearts Jong Jong.

“Salamat sa pagtanggal mo ng stress sa amin tuwing pagod kami sa trabaho at sa pagpapasaya sa amin kapag malungkot kami.

“Run free Jong Jong! We will miss you! We love you Jong Jong,” ang mensahe ng hunk actor sa alaga nilang aso.

Bumuhos naman ang mensahe ng pakikiramay para sa magkapatid na pet lovers kabilang na riyan ang mga co-stars ni Sanya sa “First Lady” na sina Cassy Legaspi at Kakai Bautista.

https://bandera.inquirer.net/310936/robin-iniligtas-ng-alagang-aso-nang-makaranas-ng-matinding-depresyon-siya-ang-nagbuwis-ng-buhay

https://bandera.inquirer.net/297004/heart-evangelista-humingi-ng-tulong-para-makita-ang-nawawalang-aso-p50k-reward-para-sa-makakahanap

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/283700/alaga-at-kalinga-ng-ina-mas-dama-sa-gitna-ng-pandemya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending