3 K-drama superstar nagsama-sama sa action-drama na 'Decibel', sunud-sunod ang pasabog bawat eksena | Bandera

3 K-drama superstar nagsama-sama sa action-drama na ‘Decibel’, sunud-sunod ang pasabog bawat eksena

Ervin Santiago - November 30, 2022 - 02:10 PM

3 K-drama superstar nagsama-sama sa action-drama na 'Decibel', sunud-sunod ang pasabog bawat eksena

Kim Rae Won, Cha Eun Woo at Lee Jong Suk

HINDI naman pala nakapagtataka ang pagiging number one sa box office ng bagong Korean movie na “Decibel” na pinagbibidahan ng mga kilala at magagaling na K-drama actors.

Napanood na namin ang pelikula sa ginanap na private screening nito sa Robinson’s Galleria nitong nagdaang Lunes ng gabi courtesy of Viva Entertainment na siyang magri-release nito sa Pilipinas.

In fairness, napagsama-sama ng producer ng pelikula (Mindmark at CJ Entertainment) ang mga sikat at bigating South Korean actors na pinangungunahan nina Lee Jong Suk (Doctor Stranger, While You Were Sleeping), Kim Rae Won (Doctors, Love Story In Harvard), at Cha Eun-woo (My ID Is Gangnam Beauty, True Beauty).

Ang “Decibel” ay isang action thriller tungkol sa isang terorista (Lee Jong Suk), na nais paghigantihan ang pagkamatay ng kanyang kapatid (Cha Eun Woo). Ang kanyang target — ang dati nilang kaibigan at former Navy commander (Kim Rae Won).

In fairness, siguradong magugustuhan ito ng mga Pinoy na mahilig sa action-suspense-drama dahil bukod sa bongga na ang cast ay napakaganda rin ng kuwento at tema nito.

Simula pa nga lang ay talagang mapapaigtad ka na sa iyong upuan dahil sa sunud-sunod na pasabog ng pelikula, lalo na ang ginagawang pananakot ni Lee Jong Suk na super effective rin sa pagkokontrabida.

Mula simula ng “Decibel” hanggang sa ending ay talagang mapapanganga at mapapa-wow ka na lang dahil pa ka na ring nanonood ng isang bonggang-bonggang Hollywood action film.

At bukod nga sa mga makapigil-hiningang maaaksyong eksena, sure kami na mapapaluha rin kayo sa ilang eksena ng tatlong bida lalo na nang ipakita na ang throwback na eksena na siyang magpapaliwanag kung bakit naging terorista si Lee Jong Suk.

Kasama rin sa “Decibel” sina Yeo Jin Goo, Cho Yi Hyun, Kim Hye Yoon, Na In Woo at Bae In Hyuk na palagi rin nating napapanood sa mga Korean drama. Showing na ito ngayon sa mga sinehan nationwide.

Anyway, pagkatapos naming mapanood ang “Decibel”, naisip namin na pwede itong gawan ng Pinoy version na maaaring pagbidahan ng mga A-lister nating male celebrities.

Naisip namin sina Dingdong Dantes, Alden Richards at Dennis Trillo para sa Kapuso habang sina Piolo Pascual, Jericho Rosales at Daniel Padilla naman sa Kapamilya. Why not, di ba?!

The Clash graduate Jong Madaliday ipatatayo na ang dream house para sa pamilya

Jak emosyonal nang magkuwento tungkol sa pagkamatay ni Jong Jong: Nakakain ng tali at namaga na yung bituka niya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sanya Lopez, Jak Roberto nagluluksa sa pagkamatay ni Jong Jong: Sobrang sakit na mawala ka sa amin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending