Jak emosyonal nang magkuwento tungkol sa pagkamatay ni Jong Jong: Nakakain ng tali at namaga na yung bituka niya
EMOSYONAL si Jak Roberto habang ikinukuwento ang naging sanhi ng pagkamatay ng pet dog nila ni Sanya Lopez na si Jong Jong.
Talagang kapamilya na ang turing ng magkapatid kay Jong Jong kaya napakasakit para sa kanila ang biglang pagpanaw nito nitong nagdaang linggo.
Sa “Kapuso Kuwentuhan Live with Jak Roberto” na ipinalabas sa Facebook noong May 26, naibahagi nga ng hunk actor ang tungkol dito. Sa unang bahagi ng video, nabanggit ni Jak kung gaano na sila katagal na magkarelasyon ni Barbie Forteza.
Aniya five years na sila ni “Madam” (tawag niya sa girlfriend) at ipinagdarasal nga niya na sana’y pang-forever na ang kanilang pagamamahalan.
Aniya pa patungkol kay Barbie, “Sa bawat project na ginagampanan ko, lagi siyang nakasuporta. At saka tsini-cheer up niya ako palagi kapag may doubt ako sa sarili ko, ganu’n.
“And tulungan din kami na mag-grow. So kung kailangan niya rin ng help ko, tinutulungan ko rin siya, ganun rin siya sa akin. So tulungan lang,” sabi ni Jak.
View this post on Instagram
At tungkol naman sa kanilang future family, natanong kung ilang anak ang gusto niya, “Kambal agad! Babae, lalaki, okay na yun, ganu’n.”
Kasunod nga nito, nabanggit ng binata na kasama rin nila ni Sanya si Barbie nang namatay si Jong jong.
“Very supportive ever since talaga. Sinuportahan niya ako, even sa pagmo-motor. Dati talagang ayaw niya, pero kahit ayaw niya, siya pa rin bumili nung gear sa akin.
“Sa pet namin, lalo na nito nga…(nahinto si Jak sa pagsasalita) ang sakit kasi, e. Anyway, sinamahan niya rin kami du’n sa vet namin para sunduin yun nga, yung dog namin,” pahayag ng aktor.
Sumunod na tanong kay Jak, “Would you rather know the future, or change a mistake that you did in the past?”
“Alam mo recently lang naisip ko iyan. Kasi nga one of our dogs died nu’ng isang araw, and grabe ang sakit, na ngayon pag naaalala ko, nalulungkot pa rin ako.
“Si Sanya, grabe iyak ni Sanya nung namatay yung dog namin. So yung tanong na iyan…ako kasi yung nakakakita sa pet namin na yun and ako yung nakapansin na matamlay.
“Tapos ako din yung nagdala sa vet namin nu’ng time na yun, nadala namin pala, so dinala ko yung isa kong dog pag-uwi ko.
“Nakita ko matamlay yung si Jong-jong, yung dog nga ni Sanya, dinala sa vet, inoperahan tapos…” natigil uli ang binata at pinipigil ang pag-iyak.
“Anyway, kung maibabalik ko yung pagkakataon, kasi ang nangyari, ang naging cause nu’ng pagkamatay nu’ng dog namin na yun is nakakain ng foreign object. Nakakain ng tali na hindi na niya mailabas and namamaga na yung bituka niya.
“Kaya kailangang putulin or alisin yung bituka niya. E, malaking part ng intestine niya yung tinanggal so hindi kinaya nu’ng dog yung recovery.
“Wala, walang choice, e, kasi ginawa naming lahat yung kailangan naming gawin, pati yung vet namin. Kaya lang hindi na talaga kaya, nasa recovery na nu’ng dog namin, e,” emosyonal pang sabi niya.
“Sorrry, kapag napag-uusapan kasi, e. Kung maibabalik ko yung pagkakataon na… aalisin ko yung naging cause nu’ng pagkamatay nu’ng dog namin, yung tali, ia-avoid ko yun sa bahay. Talagang babantayan ko silang lahat 24 hours para walang makain na kung ano.
“So ayun, guys, sana maging aware din kayo sa, lalo na yung mga fur parents diyan, sa mga dogs niyo na bantayan talaga.
“Tsaka maglinis sa bahay, na wala silang makain na ikaka-stomach upset nila or magiging cause para operahan or mangyari kagaya ng nangyari sa dog namin,” paalala pa ni Jak sa lahat ng fur parents.
https://bandera.inquirer.net/314207/sanya-lopez-jak-roberto-nagluluksa-sa-pagkamatay-ni-jong-jong-sobrang-sakit-na-mawala-ka-sa-amin
https://bandera.inquirer.net/281042/jc-santos-nagplano-nang-maging-delivery-boy-nung-kasagsagan-ng-lockdown
https://bandera.inquirer.net/311209/robin-tinatraydor-daw-ng-senador-na-kapartido-niya-mariel-umalma-naku-matakot-kayo-sa-panginoon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.