Kevin Santos, non-showbiz wife malaki ang natipid sa pandemic wedding: Hindi ka pwedeng gastos nang gastos Bandera

Kevin Santos, non-showbiz wife malaki ang natipid sa pandemic wedding: Hindi ka pwedeng gastos nang gastos

Ervin Santiago |January 23,2022
share this

Kevin Santos, non-showbiz wife malaki ang natipid sa pandemic wedding: Hindi ka pwedeng gastos nang gastos

Ervin Santiago January 23, 2022 - 03:15 PM

Kevin Santos at Raphee delos Reyes

NAPAKALAKING halaga nang natipid ng Kapuso actor at celebrity pilot na si Kevin Santos sa “pandemic wedding” nila ng kanyang non-showbiz wife.

Ikinasal si Kevin kay Raphee delos Reyes noong first week ng January na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Base sa isang panayam kay Kevin, naganap ang kanilang kasal noong Jan. 5, 2022 sa isang hotel na matatagpuan sa Alabang, Muntinlupa.

Kuwento ng Kapuso star, talagang  marami ang nabago sa original plan nila para sa inaasam na dream wedding nang dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.


Pero sa halip na malungkot at manghinayang, natutuwa na rin daw sila sa mga naging pagbabago at adjustments sa kanilang wedding dahil malaki naman ang natipid nina Kevin at Raphee sa kanilang intimate na kasal.

“Siyempre kulang lang dahil wala kaming prenup, wala kaming mga na-set na ganoon. Ang dami naming gustong puntahan dito sa Philippines, pero wala ngang chance dahil bigla na lang nagkaroon ng Omicron. Ang hirap ng situation,” ang kuwento ni Kevin sa panayam ng GMA.

Bukod pa rito, wala rin daw silang wedding coordinator at hindi na nakapagsuot ng bonggang gown si Raphee. Pero ani Kevin, ang mahalaga ay naroon ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Ayon pa sa aktor, blessing in disguise na rin ang nangyari dahil may extra pera pa silang hawak ngayon para sa pagsisimula ng kanilang pamilya. Naging practical lang daw sila sa gitna ng pandemya. 

“Hindi ka puwedeng gastos nang gastos kasi hindi mo alam kung anong mangyayari sa susunod. At least ang ganda naman ng kinalabasan ng wedding. So nakatutuwa pa rin kahit paano,” pahayag ng isa sa cast members ng Kapuso comedy show na “Daddy’s Gurl.”

At pagkatapos pala ng kasal ay bumalim din agad sa Australia si Raphee kung saan ito nagtatrabaho bilang isang frontlliner habang si Kevin naman ay balik-training sa pagiging piloto at patuloy pa ring tumatanggap ng raket sa showbiz.

Angeline Quinto kumpirmadong five months preggy sa non-showbiz dyowa

Andrea nagpa-therapy agad kontra anxiety: Pero hindi naman talaga ako kinain ng kadiliman

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending