Mika Dela Cruz kay Nash Aguas: Ikaw ang unang crush ko

Mika Dela Cruz kay Nash Aguas: Ikaw ang unang crush ko

Therese Arceo - May 24, 2024 - 11:09 PM

Mika Dela Cruz kay Nash Aguas: Ikaw ang unang crush ko

PUNUNG-PUNO ng pagmamahal ang mga wedding vows ng celebrity couple na sina Mika dela Cruz at Nash Aguas.

Matatandaang ikinasal ang dalawa nitong Sabado, May 18, sa Tagaytay.

Sa video na ibinahagi ni Mika sa kanyang social media page at mapapanood ang kanilang palitan ng mga pangako noong sila ay ikinakasal.

Makikita na talagang emosyonal ang dalawa at ramdam na ramdam ang pagmamahal sa isa’t isa.

Baka Bet Mo: Nash Aguas may na-feel nang ‘something’ kay Mika dela Cruz sa edad na 9

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa wedding vow ni Nash ay inalala niya ang naging journey nila ni Mika mula noong una silang magkakilala hanggang sa maging magkarelasyon sila.

Amin niya, tatlong beses raw siyang na-in love sa kanyang asawa.

Unang beses raw siyang nahulog kay Mika ay noong child stars pa sila.

Sumunod ay noong 2018 kung saan nagsimula ang kanilang relasyon bilang mag-boyfriend at girlfriend.

Ikatlo ay noong matapos silang mag-break ngunit eventually ay natagpuan ring muli nina Nash at Mika ang daan patungo sa isa’t-isa.

“To you my love, I will not promise all the things of the world for we will leave it here. I will not promise riches for they will fade but I promise you this—I will promise you joy even through suffering. I will promise you peace in all circumstances and I promise to always point you back to Him whenever it seems so hard.

“And, I promise to love you even [when] you don’t anymore because that’s how He loves me and I love you,” pangako ni Nash kay Mika.

Maging ang wedding vow ng dating child star ay talagang punung-puno ng pagmamahal habang binabalokan niya ang kanilang mga pinagdaanan.

“Ang galing mo nga kasi hindi pa tayo Mr. and Mrs. noon but you are already leading me. Kaya I’m sure you will be the best leader to our future family, future kids,” papuri ni Mika sa asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagpapatuloy niya, “Mahal na kita noong binubuhat mo ang bag ko sa kahabaan ng Great Wall of China at sa kahabaan ng Asian cruise ng ‘(Goin’) Bulilit’ kahit napakabigat ng dala ko pati nung binilhan mo ako ng green mermaid ballpen sa Singapore.”

Nagpasalamat rin si Mika sa pagmamahal ni Nash sa kanya.

“Love, salamat sa lahat at sa hinaba-haba. Ikaw ang unang crush ko at ang huling mahal ko. I love you love so, so, so much. This is the start of our life together, our forever and I’m so blessed to be your Mrs. Victoriano,” masayang sabi ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending