Nanay ni Mika dela Cruz todo-tanggi na nabuntis ni Nash Aguas ang anak Bandera

Nanay ni Mika dela Cruz todo-tanggi na nabuntis ni Nash Aguas ang anak

Reggee Bonoan |November 22,2022
share this

Nanay ni Mika dela Cruz todo-tanggi na nabuntis ni Nash Aguas ang anak

Reggee Bonoan - November 22, 2022 - 05:48 PM

Mika dela Cruz kasama ang pamilya

AWARE ang nanay ni Mika dela Cruz na si Mommy Angelica Egger sa iniintrigang larawan ng anak kasama ang boyfriend na si Cavite City Councilor Nash Aguas.

Pinag-uusapan kasi ang pag-gain ng weight ng dalaga dahil sa suot niyang gown nang dumalo sila ni Nash sa kasal ng kanilang mga kaibigan.

Ayon sa mga netizens ay parang buntis ang bunsong kapatid ng Barangay Chairwoman ng Longos, Malabon City na si Angelika dela Cruz.

Pero may mga nagsabing sadyang mataba lang ang dalaga dahil hindi naman na ito aktibo sa showbiz.

Ang nasabing larawang magkasama sina Nash at Mika ay sa nakaraang kasal ng kapatid nina Angelika at Mika na si Erick dela Cruz na Kagawad sa Barangay Longos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mariko [まりこ] (@mikadlacruz)

Ayon kay Mommy Angelika, “Yes, November 17, wedding of my son Erick. She (Mika) gained a little but she is not really mataba.”

Matatandaang nabalita na ring buntis noon si Mika dahil may kuha sila ni Nash na parehong nakasuot ng puti at medyo chubby din ang dalaga na pinabulaanan kaagad ito ng konsehal.

At sa ikalawang pagkakataon ay sumagot na ang mommy ng dalaga.

“Mika is not pregnant. That was the issue before too, she should have a baby by now (laughing face emoji),” sagot sa amin.

Base naman sa family picture na inilabas ni Mommy Angelika ay hindi naman malaki ang tummy ni Mika at tingin din namin ay dahil ito lang ito sa suot niyang gown.

Madalas naming nakaka-chat through Facebook si Mommy Angelika at kinukumusta rin dahil siyempre may edad na rin at hindi naman nagpapabaya si Kapitana Angelika dahil lagi siyang nasa tabi nito kahit abala sa constituents niya at sa showbiz career nito.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa kami sinasagot ni Mommy Angelika kung balik-eskuwela si Mika since hindi naman siya aktibo ngayon sa showbiz.

Tanong ng mga Marites kay Mika dela Cruz: Buntis yarn?

Nash Aguas umalma sa chikang buntis ang dyowang si Mika dela Cruz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending