Tanong ng mga Marites kay Mika dela Cruz: Buntis yarn? Bandera

Tanong ng mga Marites kay Mika dela Cruz: Buntis yarn?

Ervin Santiago |November 22,2022
share this

Tanong ng mga Marites kay Mika dela Cruz: Buntis yarn?

Ervin Santiago - November 22, 2022 - 11:28 AM
Tanong ng mga Marites kay Mika dela Cruz: Buntis yarn?

Nash Aguas at Mika dela Cruz

NAPAGKAMALAN ng mga netizens na buntis ang young actress na si Mika dela Cruz dahil sa ilang litratong kumalat sa social media.

Mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga Marites ang picture ni Mika kasama ang boyfriend niyang aktor at negosyanteng si Nash Aguas matapos mapansin ang tila pagbabago sa kanyang katawan.

Sey ng ilang netizens, parang tumaba raw kasi si Mika – bukod sa maumbok niyang pisngi ay mukha rin daw siyang pregnant sa suot niyang gown.

Ang nasabing photo na naka-post sa Instagram account ng celebrity couple ay kuha sa isang kasalan dinaluhan nila kamakailan. Makikitang may hawak pang bulaklak ang dalaga.

In-upload din ito sa Facebook page na “Kapuso Alliance Fanpage” na may caption na, “Parang buntis yata si Mika Dela Cruz dito ah, parang ang taba niya lalo. Congrats Nash & Mika.”

Mixed ang reaksiyon at komento ng mga nakakita sa sweet photo nina Mika at Nash.

“Wala naman tayong pakialam kung buntis si Mika kung totoo man, nasa tamang edad naman na sila at kayang buhayin magiging anak nila in the future… hindi ba puwedeng bilbil lang ‘yan ganda naman ni Mika kahit chubby.”

“Pag tumaba buntis agad, talaga naman balita may bunga agad… excited ka pa sa 2… tumaba kasi mapagmahal yung bf niya…”

“Kapag nasa tamang tao ka, tumataba ka talaga, kasi alagang-alaga ka…”

“Pag tumaba, buntis agad… pag pumayat, may sakit agad… anong nangyayari sa earth.”

Actually guys, minsan na ring naisyu na buntis daw si Mika noong Marso, 2021. Ito’y dahil din sa isang litrato na ipinost ni Nash sa kanyang Instagram page.

Medyo malaki rin kasi ang tiyan ni Mika sa suot niyang white dress habang nakakandong kay Nash. Reaksyon ng aktor,  “Sinend sakin ng tropa yung link HAHAHA MAGINGAT PO KAYO SA FAKE NEWS bye socmed na ulit HAHA.”

May kalakip pa itong audio mula sa isang sa vlog sa YouTube na tinawanan na lang ni Nash.

Wala pang reaksyon sina Mika at Nash hinggil sa isyung ito. Bukas ang BANDERA sa kanilang magiging official statement.

Pero ayon sa aming source, mukhang mali lang daw ang anggulo ni Mika sa pinagpipiyestahang litrato sa socmed. Aniya, kung totoo nga ang chika, feeling niya hindi raw ito itatago ng magdyowa.

Nanay ni Mika dela Cruz natawa lang sa tsismis na nabuntis ni Nash Aguas ang anak

Nash Aguas umalma sa chikang buntis ang dyowang si Mika dela Cruz

Nash Aguas handa nang pakasalan si Mika dela Cruz anytime, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending