Aiko, Angelika, Abby, Ara, SV wala nang atrasan sa Eleksyon 2025
TAKBO pa more para sa mga artistang nais magserbisyo sa publiko sa pamamagitan ng magaganap na midterm elections sa darating na 2025.
Ilan pang celebrities ang nag-filed ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) para sa pagkandidato nila sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno sa susunod na taon.
Tatakbo uling councilor ang award-winning actress na si Aiko Melendez sa 5th district ng Quezon City. Ipinost niya sa Facebook ang kanyang litrato habang hawak ang isinumite niyang CoC sa Comelec.
Baka Bet Mo: COC ni Raffy Tulfo sa pagkasenador pinakakansela ng nagpakilalang ‘legal wife’
“Mga Ka-AM, eksaktong 12:40 ng tanghali ngayong araw ay pormal po nating naihain ang ating COC bilang KONSEHAL ng D5 sa ilalim ng SERBISYO SA BAYAN PARTYLIST.
View this post on Instagram
“Nangangako akong magbibigay ng mas mahusay na serbisyo sa publiko at maipagpatuloy ang Aksyon at Malasakit sa Distrito Singko.
“Samahan niyo po muli akong lumaban para sa layuning ito. Maraming salamat po! #1teAMtayo,” ang caption ni Aiko sa kanyang FB status.
Sasabak na rin sa politika ang asawa ni Jomari Yllana na si Abby Viduya matapos maghain ng COC para sa pagkakonsehal ng 1st District ng Parañaque.
Kasabay nito, naghain na rin ng CoC ang nakababatang kapatid ni Jomari na si Ryan Yllana para sa pagtakbo rin niyang councilor sa 2nd District ng nasabing siyudad.
Ang panganay na anak naman nina Alma Moreno at Joey Marquez na si Yeoj Marquez ay tatakbo ring councilor sa 1st District ng Parañaque. Sinamahan pa siya ng kanyang celebraty parents sa paghahain ng CoC pati na ng half-brother niyang si Vandolph.
Kahapon, nag-file rin ng CoC ang aktres at negosyanteng si Ara Mina na tatakbo namang councilor sa 2nd District ng Pasig City habang ang beauty queen-host namang si Shamcey Supsup at kakandidatong councilor sa 1st District ng siyudad.
Matapos maglingkod bilang barangay chairman sa Longos, Malabon City, tatakbo naman next year ang Kapuso actress na si Angelika dela Cruz bilang vice-mayor sa Malabon.
View this post on Instagram
Naghain ng CoC si Angelika kahapon sa Comelec kung saan sinorpresa pa siya ng kanyang kapatid na si Mika dela Cruz kasama ang asawa nitong si Nash Aguas.
Samantala, naghain na rin ng CoC ang Tutok To Win Partylist representative at TV host na si Sam Verzosa para sa pagtakbo niyang mayor ng Maynila kung saan makakalaban niya ang dating alkaldeng ng siyudad na si Isko Moreno at si incumbent Mayor Honey Lacuna.
Pahayag ni SV (tawag kay Sam), “Wala ako masamang tinapay. Ang mga taga-Maynila may karapatan ng gusto nila. Nakakalungkot puro away, personalan, imbes na priority mabigay pangangailangan, nauuna pa bangayan at away, pag-aagawan sa pwesto. Ayoko na makisabay.”
“Pinrepare ako ng Panginoon for more than 20 years. Pinaranas niya hirap, nag-umpisa noong bata ako. Kinailangan ko magsumikap, mag-aral, kailangan mag valedictorian, makapasa sa UP Diliman, maging engineer, maging successful sa problema. Lahat yung prinepare ako sa moment na ito,” aniya pa.
“Pinaka-priority natin libreng pang ospital, gamot, P2,000 allowance para sa senior citizens natin. Pati trabaho at kabuhayan—ginagawa na natin to ngayon pa lang. Naghahatid na tayo ng medical services through SV mobile clinics,” dagdag ni SV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.