Aiko Melendez ready to help pa rin kahit inanod ang kotse ng anak

Aiko Melendez ready to help pa rin kahit inanod ang kotse ng anak

Reggee Bonoan - July 24, 2024 - 08:09 PM


Aiko Melendez ready to help pa rin kahit inanod ang kotse ng anak

BILANG public servant ng 5th District ng Quezon City si Konsehala Aiko Melendez ay ang kaligtasan ng kanyang mga nasasakupan ang inuuna niya at nakita namin ang post niya kaninang umaga na nakahanda na ang Team AM sa pagtulong sa mga inabot ng baha.

Nagkaroon sila ng emergency session.

Aniya, “Kakatapos lang po ng aming Emergency Session nasa State of Calamity na po ang Lungsod ng Quezon. Ginagawa na po ng LGU ang lahat ng magagawa upang ma rescue ang mga nabaha po. Naka handa na din po ang relief operations po namen. Handa naman po ang Office of the Mayor QC Mayor Joy Belmonte Quezon City Government simula kaninang umaga pa po. At naka ready na po ang evacuation areas sa buong Lungsod.”

Sa kabila ng lahat ng pagtulong ni Konsi Aiko sa mga nangangailangan ay may kinakaharap din siyang personal na problema dahil hindi naman exempted sa baha ang lugar nila sa Quezon City kahit na nasa loob sila ng subdibisyon.

Baka Bet Mo: Aiko Melendez nakalimutang ex-dyowa niya si Jomari, umiiwas kapag may ‘session’

Nakita namin ang video post ng aktres/politiko sa kanyang Facebook account.

“Lahat po tayo ay nahaharap muli sa isang matinding pagsubok. Hindi po kayo nag-iisa. Wala sa antas ng pamumuhay ang pagsubok. Kaninang umaga po pinilit po namen habulin.

“Ang inaanod na kotse ng aking anak na si Andre Yllana subalit wala rin po kaming nagawa kundi ang magdasal. Materyal na bagay lang ang sasakyan. Ang mahalaga ngayon ay walang masaktan at nasasaktan.

“Kalahati sa aking team ay na-trap po sa kanilang mga bahay ubos ang gamit. Kaya po iilan lang po kami ang makakaikot upang maghatid ng tulong. Hindi po kami panghihinaan ng loob dahil tao muna bago ko harapin ang sariling problema po.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yan ang mga bagay na pinagbago ng aking buhay na ako ay isang public servant gusto man akapin ang anak ko sa lungkot nya sa kanyang sinapit meron akong mas malaking obligasyon sa aking distrito.

“Nakahanda na po ang aking team hindi man kumpleto pero buo ang loob sa pagtulong! Makakayanan po naten ito.”

Keep safe konsi Aiko and team AM.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending