Aiko ikinagalak ang full support ni Chavit Singson sa District 5 QC

Aiko Melendez ikinagalak ang full support ni Senatoriable Chavit Singson sa District 5 QC

Antonio Iñares - November 14, 2024 - 01:41 PM

Aiko Melendez, ikinagalak ang full support ni Senatoriable Chavit Singson sa District 5 QC

TODO-TODO ang ngiti at pasasalamat ni Quezon City District 5 Konsehala Aiko Melendez matapos makatanggap ng matinding suporta mula kay senatoriable Chavit Singson sa kanyang proyekto, ang “Akap ni Aiko, Araw ng Ayuda”, kung saan nagbigay siya ng maagang pamasko para sa barangay employees ng District 5.

Ang bawat empleyado ay nakatanggap ng P1,000 na pamasko mula kay Konsehala Aiko, pero hindi diyan natapos ang sorpresa!

Dumating si Chavit Singson bilang special guest ng event at napahanga ang lahat nang pag-usapan niya ang kanyang plano para sa transport modernization.

Marami ang natuwa sa ideya ni Chavit tungkol sa mas maginhawang sistema ng transportasyon na makakatulong hindi lang sa mga taga-Quezon City kundi pati sa buong bansa.

Baka Bet Mo: Senatoriable Chavit Singson namigay ng tig-P10,000 sa mga residente ng Antique

Pero ang talagang nagpabuhay ng crowd? Ang kanyang “Bangko ng Masa” project! Ayon kay Chavit, lahat ng Pilipinong edad 18 pataas ay magkakaroon ng sariling bank account at credit card.

Naghiyawan ang mga tao sa tuwa—finally, magkakaroon na ng accessible na financial services kahit para sa masa.

Naging patok din ang Mobile Kitchen ni Singson na nagbigay ng masarap at mainit na almusal na talagang pinilahan ng mga ka barangay ni Aiko.

Ang pinakapasabog ng araw ay nang nag-demo si Chavit ng electronic banking sa pamamagitan ng pamimigay ng P10,000 sa ilang masuwerteng barangay employees.

Biglang nagtakbuhan ang lahat kay Chavit para makasali sa giveaway at ang ngiti ni Konsehala Aiko ay hindi na maipinta sa kasiyahan.

“Malaking bagay ang suporta ni Manong Chavit dito sa ating distrito at kailangan na natin siya sa Senado!” Mensahe ng konsehala kay Chavit na sinalubong ng palakpak at hiyawan ng mga naroon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending