Aiko suportado ang 'Postmortem' ni Direk Tom

Aiko suportado ang ‘Postmortem’ ni Direk Tom: ‘Hindi ako nagpabayad sa cameo ko’

Reggee Bonoan - March 01, 2025 - 09:51 AM

Aiko suportado ang 'Postmortem' ni Direk Tom: 'Hindi ako nagpabayad sa cameo ko'

Aiko Melendez; Alex Medina, Agassi Ching, Jai Asuncion and Direk Tom Nava

NAKAKATUWA ang actress-politician na si Aiko Melendez dahil kahit abala siya sa kanyang pag-iikot sa District 5 ng Quezon City para sa kandidatura niya bilang 2nd term councilor ay nagawa niyang i-repost ang poster ng pelikulang “POSTMORTEM” na idinirek ni Tom Nava sa kanyang Facebook account.

Si Direk Tom Nava ang direktor ni konsi Aiko sa YouTube channel nito na mayroon ng 1.06 million followers.

First full length movie kasi ito ni direk Tom kaya’t suportado ito ni Aiko bilang dumaan din siya sa pagiging baguhan at may cameo role siya.

Ang caption ni konsi Aiko sa pag-repost niya ng poster:

“Alam n’yo po dumaan din ako sa pagiging baguhan bilang Artista. Kaya I don’t mind showing my support by appearing in this movie via cameo role. Kasi kaibigan ko si Jai Asuncion and Agassi Ching plus their director Tom Nava is my friend and director-admin ng Youtube channel ko who happens to be the director of this film.

Baka Bet Mo: Aiko sa relasyon nila ni Jay Khonghun: Parang mas lalo pa kaming nagmahalan

“Congratulations, I’m always happy kapag me mga bagong generation of actors and directors ang sumusugal para lang makapagbigay ng isang pelikula. Goodluck Guys!

“PS: Totoo po di po ako nagpabayad kasi ganyan ako magpakita ng supporta sa mga kaibigan.”

Ang “POSTMORTEM” ay showing sa mga local na sinehan sa March 19, 2025.

Ang cast sa upcoming horror film ay sina Jai Asuncion, Alex Vincent Medina, Agassi Noriega, Jennica Garcia, Ira Ruzz,  Louise Jazlene Jimenez, Mike Lloren, Jim Morales Vlog, Sachzna Laparan, Albert Nicolas, Limer Veloso, Francis Mata, Peggy Solis, Aaron “Burong Rattan ” Macacua, Anthony “Yow ” Andrada, Steve Wijayawickrama, Mike Liwag, Toni Lascano, Charlene Mae Kua, Gepoy Tuason, Dudut De Guzman, Rundee Dela Cruz, Chino Liu Tita Krissy Achino, Clouie Dimaapi Clouie Dims, Lamin Delacruz, Sharleen Jonson, Sean John Bialoglovski, Sofia Elano, Reynaldo Cabrera, at Jalyn Ambrocia Perez.

May special participation din ito ni Aiko.

***

Bago pa man matapos ang buwan ng puso, apat sa anim na pelikula ngayong linggo ang swak sa pamilyang Pilipino, ayon sa klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Rated G (angkop sa lahat ng edad) ang “Secret: Untold Story” at “Ive: The 1st World Tour in Cinema” na parehong galing South Korea.

Rated PG (edad 12 pababa kasama ang magulang) ang “Everything About My Wife” na pinagbibidahan ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, at ang biographical musical drama na “A Complete Unknown,” batay sa buhay ng mang-aawit na si Bob Dylan.

“The Caretakers,” na bida sina Iza Calzado at Dimples Romana ay rated R-13 para sa edad 13 pataas at swak sa mga mahilig sa katatakutan.

Habang ang 1922 bersyon ng American gothic horror na “Nosferatu” ay rated R-16 para sa edad 16 at pataas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Payo ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio sa mga magulang na maging handa sa pakikipag-usap sa mga bata tungkol sa mga eksena na posibleng makaapekto sa kanilang kaisipan.

“Aking hinihikayat ang mga magulang at nakakatanda na maging handa para liwanagin sa mga bata ang mga eksenang posibleng hindi nila maarok,” sey ni Sotto-Antonio.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending