Aiko Melendez panatag sa relasyon nila ni Jay Khonghun

Aiko sa relasyon nila ni Jay Khonghun: Parang mas lalo pa kaming nagmahalan

Reggee Bonoan - November 14, 2024 - 09:41 PM

Aiko sa relasyon nila ni Jay Khonghun: Parang mas lalo pa kaming nagmahalan

NAKAKATUWA si Konsehala Aiko Melendez dahil hindi siya nakalilimot sa mga nakasama niya noong nagsisimula palang siyang mag-artista dahil lagi niyang iniimbita sa mga mahahalagang okasyon ng buhay niya.

Isa kami sa naimbitahan para sa celebration ng 7th year anniversary nina konsi Aiko at Cong Jay Khonghun na ginanap sa Bonifacio Global City at dahil may kasabihan na kapag umabot ng pitong taon ay maraming nangyayaring hindi maganda.

Kaya natanong kung nakalusot na sila sa sinasabing 7 year itch at ano ang naging takbo ng relasyon nila sa loob ng pitong taon.

Ang boyfriend ng politikong aktres ang sumagot, “Okay naman masaya bilang mag-boyfriend, girlfriend, maraming ups and downs pero ang importante ay nanatili pa rin ang pagmamahal at respeto at siyempre ang aming loyal sa isa’t isa.”

Baka Bet Mo: Aiko Melendez ikinagalak ang full support ni Senatoriable Chavit Singson sa District 5 QC

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez)


Natawa si konsi Aiko habang nagkukuwento ang boyfriend.

Aniya, “wala kasi akong problema pagdating sa loyalty sa kanya, ‘yung 7 years namin parang mas lalo pa kaming nagmahalan sa isa’t isa, di ba? Stand the test of time.

Dagdag ni cong Jay, “Oo kasi kasi natutunan na naming hindi pag-awayan ‘yung mga petty differences saka alam na namin kung ano ‘yung ayaw ng isa’t isa, alam ko na ‘yung mga ayaw niya, so, panay ang adjust ko (biglang napatingin si Aiko sa boyfriend), humaba ‘yung pasensya ko, pang-unawa ko, siyempre mga sacrifices ko (sabay tingin kay Aiko na nanisi).”

Sabi agad ni Aiko, “Huy, ano ka, bata palang ako nandiyan na sila sa akin

Pero aminado naman ang guwapong boyfriend na may mga selosan din, “hindi naman maiiwasan may mga selos (itinuro ni Aiko ang bf), lalo na kung nagseselos siya (natawa ng malakas ang aktres/politico). Lagi ko naming sinasabi sa kanya na ‘wag magseselos.”

Natatawa na lang si konsi Aiko dahil sa totoong buhay ay mas seloso ang boyfriend niya sa kanya.

Tanggol naman ni cong Jay,“Kasi ako pag nagseselos ako tumatahimik lang ako. Pag nagselos ako siguro sa isang taon isang beses ako, tatlong beses siya (naloka na naman si Aiko na natatawa).

Hirit kaagad ng aktres/politico,“Naku, hindi siya nagsasabi ng totoo, nakakaloka!”

In fairness binawi naman, “wala naman, kasi nandoon ‘yung respect, alam naman niya ‘yung ayaw ko, alam ko rin naman ‘yung ayaw niya at siyempre ‘yung respeto ang pinaka importante. Sa ganu’n instance naiiwasan din naming ang mag-away.”

Nabanggit din ang closeness ng pamilya nila sa isa’t isa at mahal ni cong Jay ang pamilya ni konsi Aiko.

“Talagang love ko ‘yung family niya, love ko ‘yung mommy niya, awayin na ako ni Aiko ‘wag lang ng mommy niya. Love ko si Andre at si Mimi (Marthena) at mga kapatid niya.”

Nakuwento ni Aiko, “sa mga hindi nakakaalam ang nag-ayos ng kontrata ni Andre was Jay, siya ang nag check one by one bago pumirma si Andre tapos sinamahan naming siya sa Viva nu’ng contract signing.”

Anyway, s apitong taong relasyon ay wala pa bang planong i-level up ang kanilang pagsasama.

“Siyempre may plano, it’s always there abangan na lang natin,”sambit ni cong Jay.

Dagdag pa, “ dumating ang time, hindi namin ipagdadamot iyon kasama kayo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mga naging bisita nina konsi Aiko at cong Jay ay sina Vina Morales, Sylvia Sanchez, Beauty Gonzales-Crisologo at asawang si Norman Crisologo, ang manager nyang si Ogie Diaz at ang senatorial candidate na si Chavit Singson.

Present siyempre ang anak ng aktres na si Marthena Jickain, mommy Elsie Castaneda at chief of Staff/brother nitong si Angelo Castaneda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending