Chavit kay Carlos: Kausapin mo na pamilya mo, maging role model

Chavit kay Carlos: Kausapin mo pamilya mo, ‘wag mo na silang pahirapan

Ervin Santiago - August 20, 2024 - 07:23 AM

Chavit kay Carlos: Kausapin mo pamilya mo, 'wag mo na silang pahirapan

Chavit Singson at Carlos Yulo

NAKIUSAP na si dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson kay 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo na makipag-ayos na sa kanyang pamilya.

Bago raw niya ibigay ang kanyang P5 million incentive sa Pinoy champ, sana raw ay siya na ang unang gumawa ng paraan para magkabati sila ng kanyang inang si Angelica Yulo.

Nakachikahan ng ilang miyembro ng  entertainment media si Manong Chavit kahapon sa grand opening ng BBQ Chicken resto sa Festival Mall, Alabang.

Baka Bet Mo: ‘Little Seoul’ ni Chavit Singson itatayo na sa Pinas, wala ng kaaway ngayon: Si Pareng Erap, si Manny Pacquiao magkaibigan na kami’

Ayon sa dating gobernador, umaasa siya na maibibigay din niya ang alok na P5 milyon kay Carlos kapalit ng pagbabati nila ng kanyang nanay pati na ang girlfriend niyang si Chloe San Jose.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero sabi ng negosyante at dating politiko, wala pa siyang natatanggap na message mula sa kampo ni Carlos. Ang nakausap pa lang niya ay ang parents ng binata at mga kapatid nito.

“Wala. Walang maka-contact sa kanya, eh. Pero kinu-contact ko na siya lang kaya nakikiusap ako kay Caloy na ipakita niya na ngayon champion siya.

“Naka-gold siya, ipakita niya na siya ang ano, role model, of the family. Eh, ‘di maganda ‘yung pinapakita niya kung hindi siya makipag-reconcile sa pamilya.

“Pero as of last night, wala pa. So, magdadagdag ako ng premyo niya, limang milyon, kung buong pamilya mapagsama niya dahil dapat siya ang role model, eh,” pahayag ni Manong Chavit.

Baka Bet Mo: Chavit Singson nagpaagaw ng pera gamit ang ‘golden gun’, may mga natuwa pero marami ring nagalit

Rebelasyon pa ng former governor, kahit daw ang pamilya ng Olympian ay wala nang contact sa kanya.

“So, nakikiusap ako kay Caloy, kung marinig man niya, pamilya mo muna dahil wala ka naman diyan kung hindi sa kanila,” pakiusap pa ni Manong Chavit.

Dagdag pa niyang mensahe kay Carlos, “Well, ngayon sikat siya, ‘wag siyang magbago. Dapat siyang role model at number one, pamilya. Kung anuman ang nangyari sa kanila, kalimutan na niya. Nasa sampung bilin ‘yun ng Diyos, respect thy father and thy mother.

“Caloy kung nakikinig ka man, nakikiusap ako, kausapin mo pamilya mo, ’wag mo na sila pahirapan dahil ‘yang gold na nakuha mo, hindi lang para sa ‘yo kundi para sa lahat, specially your family.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Wala kang pinanggalingan kung hindi sa mga family mo. Kung ano ang mga nangyari, patawarin mo na sila. Bilin din ng Diyos ’yan, forgive your…magbati lang sila, okay na, bigay ko sa kanya P5 million,” aniya pa.

Inamin pa niya na naawa siya sa tatay ni Carlos nang mapanood ito habang sumisigaw at nagtatatalon sa Heroes’ Parade para sa lahat ng Filipino athletes na sumabak sa 2024 Paris Olympics.

Samantala, parang fiesta ang naganap na grand opening ng BBQ Chicken sa Festival Mall kahapon dahil sa dami ng pagkaing inihain para sa members ng media at iba pang guests ng pamilya Singson.

Ayon sa dating governor, target nila na makapagtayo ng 300 BBQ Chicken resto sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas na pinamamahalaan din ng kanyang mga anak na sina Michelle at Carlene.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, halos lahat ng flavor ng lafang sa BBQ Chicken ay masasarap, lalo na yung classic fried chicken nila. Idagdag pa ang iba’t ibang drinks na kanilang ino-offer sa kanilang mga customers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending