Chloe nagplano ng dinner kasama ang pamilya ni Carlos Yulo, pero anyare?
MAY pinaplano pa lang dinner ang content creator na si Chloe San Jose para sa pamilya ng kanyang boyfriend na Olympic champion na si Carlos Yulo.
Ito ang ibinunyag ng tumayong ina at presidente ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) na si Cynthia Carrion sa isang media interview.
Pero bago ‘yan, unang itinanong kay Cynthia kung boto raw ba ito sa relasyon nina Carlos at Chloe.
Deretsahang sumang-ayon ang GAP president at sinabing very sweet pa nga raw ang dalawa.
“Oo! Kasi sweet na sweet sila. She’s very nice! If you get to know her, mabait siya,” paglalarawan niya sa girlfriend ni Carlos.
Baka Bet Mo: Chloe San Jose mas bet ‘mayaman na dyuts’ kesa ‘broke guy na daks’
At dito na niya ibinunyag ang dinner plans sana ni Chloe matapos ang laban sa 2024 Paris Olympics.
“In fact, she’s willing to [have] dinner with the family –her parents and the family of Carlos. She was already planning a dinner together for the two families,” chika niya.
Ngunit bigla raw nagkaroon ng isyu at ito ay lumaki nang lumaki kaya hindi na ito natuloy.
“But the [issue] came out. All of these things –media coming out talking [about them], it discouraged her so they quit it. They say, ‘let’s quit it for a while and be silent and let’s see what happens in the end’,” kwento niya.
Follow-up na tanong kay Cynthia, “So you’re saying Chloe has been constantly reaching out to the family of Carlos’ sake?”
“Yes!” agad na sagot ng GAP president.
Paliwanag niya, “She told me her plan that she was having dinner and I was happy to hear it. I said, ‘That’s wonderful Chloe, that’s the way you should [do it]. That’s really good!’ And then after what happened she said, ‘I canceled the dinner’.”
Panawagan pa niya, “Please advise others just let the issue die down and not make a big thing out of it because at the end, the more you talk about it, the worse each becomes.”
“So just let it go by so it will turn out to be the best,” aniya pa.
Kung maaalala, si Cynthia ang ibinandera ni Carlos na tumayong nanay niya sa kasagsagan ng kanyang training hanggang sa mag-champion sa prestihiyosong sports event.
Kwento ng two-time Olympics gold-medalist, hindi siya iniwan nito kaya todo ang pasasalamat niya.
Samantala, ilang beses nang sinabi ni Carlos na ayaw na niyang pag-usapan ang isyu ng kanyang pamilya at sa halip ay ipagdiwang nalang ang mga atletang Pinoy na lumaban sa Olympics.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.