Carlos Yulo ipinaglaban ang dyowa sa ina: Ayaw niya kay Chloe

Carlos Yulo ipinaglaban ang dyowa sa ina: Ayaw talaga niya kay Chloe

Ervin Santiago - August 07, 2024 - 09:34 AM

Carlos Yulo ipinaglaban ang dyowa sa ina: Ayaw talaga niya kay Chloe

Angelica Yulo, Chloe San Jose at Carlos Yulo

IPINAGLABAN ng 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo ang kanyang girlfriend na si Chloe San Jose sa kanyang nanay si Angelica Yulo.

Inamin ng Filipino athlete na isa ito sa naging mitsa ng hindi nila pagkakaunawaan ng ina dahil talagang hindi raw ito boto sa relasyon nila ni Chloe.

Sa ginawang Tiktok video ni Carlos kung saan kasama niya ang dyowa sa harap ng camera, ibinandera ng binata ang kanyang wagas na pagmamahal sa girlfriend na mula noon hanggang ngayon ay todo ang pagsuporta sa kanya.

Baka Bet Mo: Christine Bermas ayaw talagang makipag-love scene sa kapwa babae: Parang nakikita ko yung nanay ko na pinagagalitan ako

Sabi ni Carlos, tama ang sinabi ng nanay niya na isa si Chloe sa mga dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan matapos niyang ipaglaban ang dalaga sa kanyang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Opo, totoo po yun. Dahil ever since unang-una pa lang, ayaw niya na kay Chloe kahit hindi niya pa po nakikita or nakikilala in person.

“And mas nagkalabuan po kami nu’ng naglagay po ako ng boundaries sa relationship ko. Kasi ipinaglaban ko po si Chloe dahil gusto ko po siya,” diretsahang sabi ni Carlos.

Bukod dito, sinagot din ng tinaguriang Golden Boy na nakapag-uwi nga ng dalawang gold medal sa ginaganap ngayong 2024 Paris Olympics, ang sinabi ng kanyang ina tungkol sa training camp incident sa Japan.

In-occupy daw kasi nila ni Chloe ang dormitoryong nakalaan sana sa kanila ng kanyang kapatid na si Eldrew at sa national player na si Miguel Besana.

Baka Bet Mo: Vivamax star sasabak sa military training: Gusto kong magserbisyo!

“Actually, invited po si Chloe ng former coach ko (Munehiro Kugimiya) from Japan. Nu’ng SEA Games pa lang po sa Vietnam, sinabihan kami na invite mo na lang si Chloe sa Japan and du’n kayo mag-hang out.

“Usually, kapag magti-training camp kami, palaging naka-hotel. And miscommunicated ‘yun na doon pala sila sa akin na mag-i-stay.

“Hindi rin totoo na pagpunta nila du’n nu’ng dalawang bata, dapat wala na si Chloe, kasi sabay-sabay silang pumunta du’n,” ani Carlos.

“Hindi ko alam kung bakit ganu’n yung mga sinasabi niya. At ‘yung sinasabi niya po na nandu’n ‘yung dalawang bata po, ‘yung nakabalandra daw yung puwet (ni Chloe) po, bilang nakakatandang kapatid po, bilang boyfriend ni Chloe po, at bilang ate at kuya po, kami po, aalagaan po namin sila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi namin po gagawin yung mga iniisip niya na ganu’n ang dumi niya mag-isip at hindi appropriate yun para sa akin at disrespectful yun actually sa akin and kay Chloe po,” esplika ni Carlos.

“Sabi niya pa na feeling niya daw nilalayo ako ni Chloe sa kanila. Unang-una po, months before nun, kasi uuwi ako parang three days mula nu’n, sinabihan ko na sila na mag-sspend time ako kay Chloe.

“Nagpunta kami sa Baguio, sinama ko si Chloe, nag-spend time kami. Nakikipaghalubilo naman po kami, hindi naman ako nilalayo ni Chloe,” pahayag ng binata.

Sa isang bahagi ng video, nabanggit din ni Carlos ang rason kung bakit nasasaktan siya sa mga sinasabi ng kanyang ina, “May recent interview po kayo na kino-congratulate n’yo po ako.

“Kung genuine po talaga kayo, maraming-maraming salamat po. Ina-acknowledge ko po yung pagko-congratulate niyo sa akin.

“Nagpa-flashback pa rin po talaga yung masasakit niyong sinabi sa akin. At yung mga hindi niyo pag-wish well sa akin. Tumatatak po yun sa akin talaga. Ang message ko po sa inyo na mag-heal kayo, mag-move on.

“Napatawad ko na kayo a long time ago po. At sana nasa maayos kayong kalagayan diyan lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tigilan na po natin ito at i-celebrate na lang po natin yung mga ginawa po ng paghihirap, pagsasakripisyo ng bawat atletang Pilipino dito sa Olympics,” ang mahinahong sey ni Carlos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending