Vivamax star sasabak sa military training: Gusto kong magserbisyo!

Vivamax star sasabak sa military training: Gusto kong magserbisyo!

Ervin Santiago - May 21, 2024 - 06:30 AM

Vivamax star sasabak sa military training: Gusto kong magserbisyo!

Chloe Jenna,Direk Ray Gibraltar, Denise Esteban at Aila Cruz

HUMANGA kami at ang ilan pang miyembro ng entertainment media sa super tisay na sexy star na si Chloe Jenna na bida sa Vivamax Original Movie na “Serbidoras”.

Iiwan pansamantala ng dalaga ang kanyang pag-aartista dahil ngayong darating na June ay sasabak na siya sa military training bilang pagtupad sa matagal na niyang pangarap na maging Army reservist.

Kuwento ni Chloe sa naganap na presscon ng “Serbidoras” kamakailan, talagang gusto niyang sundan ang yapak ng kanyang mga lolo na mga dating heneral at pulis.

Baka Bet Mo: Jeffrey Hidalgo mas enjoy na sa pagdidirek sa Vivamax; Chloe Jenna naiyak matapos purihin sa ‘Ligaw Na Bulaklak’

Nais din ng dalaga na ibandera sa buong universe ang kakayahan ng mga kababaihan na maglingkod sa sambayanang Filipino bilang mga sundalo. Isa rin siyang advocate ng women empowerment.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chloe Jenna (@chloejennaaa)


“Papasok po ako sa military bilang army reservist. Nasa bucket list ko talaga at advocacy ko rin para sa women empowerment na hindi lang ganda, hindi lang katawan.

“Meron kaming serbisyo talaga na gusto naming ibalik sa tao kasi wala naman po ako dito kung wala po yung mga sumusuporta sa akin.

“Matagal ko na po itong gusto kasi ang mga lolo ko, isang dating general, isang pulis.

Baka Bet Mo: Beatrice Gomez ginawaran ng Military Merit Medal ng Philippine Navy; tuloy ang pagwagayway sa bandera ng LGBTQ

“Hindi ko sila naabutan pero ang feeling ko, dahil nasa dugo rin po namin at dahil sa UP ako nag-college, talagang para sa bayan at para sa tao ang gagawin ko,” pahayag ng Vivamax star.

Patuloy pa niya, “Hindi po mawala sa akin na gusto kong magserbisyo kahit paano. At the same time, pinu-pursue ko ang pangarap ko sa Vivamax.”

In fairness, hindi dapat husgahan at maliitin si Chloe dahil isa rin siyang BA Theater Arts student sa University of the Philippines kaya naman talagang may ibubuga rin siya sa aktingan.

Samantala, sa May 28 na mapapanood sa Vivamax ang “Serbidoras”. Iikot ang kuwento nito sa tatlong magkakaibigan na magiging matapang at mapangahas sa paghahanap ng pag-ibig at tagumpay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chloe Jenna (@chloejennaaa)


Sa direksyon ni Ray Gibraltar, ang “Serbidoras” ay tungkol sa buhay nina Donna (Denise Esteban), Rina (Chloe Jenna), at Liezel (Aila Cruz) na pawang nagtatrabaho bilang mga serbidora sa restaurant.

Suot ang kanilang sexy uniform, maraming lalaking customers ang nagkakagusto sa kanila. Silang tatlo ay meron ding pustahan: sino sa kanila ang unang magkakarelasyon sa mayamang lalaki?

‘Di nagtagal, bawat isa sa kanila ay magkakaroon ng lover na mayaman pero may asawa na: si Donna kay Randy (Nathan Cajucom), isang restaurant owner; si Rina kay Rigor (Vino Gonzales), isang bank manager; at si Liezel kay Lance (Chad Alviar), isang real-estate broker.

Dahil sa kanilang mga ambisyon, ipagpapatuloy ng magkakaibigan ang kani-kanilang affair kapalit ng pera at kasiyahan, kahit na committed na ang mga lalaki sa iba.

Subalit, hindi lahat ng lihim na relasyon ay nananatiling sikreto. Isang araw, haharapin nila ang consequences ng kanilang mga ginawa dahil pupuntahan sila ng mga asawa ng kanilang mga karelasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tatapusin ba ng tatlong magkakaibigan ang kanilang ugnayan sa mga lalaki, o patuloy nilang hahayaan ang kanilang ambisyon na ipahamak sila? At makakahanap kaya sila ng pag-ibig sa mayaman at single na lalaki?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending