#IkawNa: Ronnie Liang Army reservist at commercial pilot na, may Master’s degree pa
SA kabila ng kanyang kaliwa’t kanang trabaho at pagiging frontliner sa patuloy na laban ng bansa kontra pandemya, may bago na namang blessing na natanggap ang aktor at OPM singer na si Ronnie Liang.
Excited niyang ibinandera sa publiko na finally, natapos na niya ang kanyang Master’s degree in Management, Major in National Security and Administration mula sa Philippine Christian University
Ayon kay Ronnie na isa ring Army reservist at commercial pilot, matinding challenge rin ang kanyang hinarap bago natapos ang kanyang graduate degree lalo pa’t napakarami rin niyang responsibilidad at obligasyon sa kanyang career at personal life.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ng singer-actor ang kanyang graduation photo kalakip ang mensahe para sa lahat na napakahalaga pa rin ng edukasyon para sa isang tao.
“From my perspective as an artist, I realized that obtaining a higher education is an empowering tool that will provide us with many opportunities.
“It amplifies our self-worth and dignity because it gives us a sense of pride,” ang bahagi ng caption ni Ronnie sa kanyang IG post.
Aniya pa, walang mahirap sa mga taong masipag at nagsisikap at naniniwala siya na ang isang indibidwal na nakatapos ay mas maraming matatanggap na opportunities pagdating ng panahon.
“Being a singer is my first love, and becoming a commercial pilot has been a childhood dream.
View this post on Instagram
“However, my master’s degree is like a stronger safety net in this life of constantly not knowing what will happen next,” aniya pa.
Mariin pa niyang sabi hinggil sa pagkakaroon ng college diploma, “It also bestows us with sophisticated language that saves us from being underestimated.
“It is also like a torchlight to another career path or a foothold to reach high places because people respect the knowledge and the knowledgeable,” dagdag na mensahe pa ng binata.
https://bandera.inquirer.net/280894/ronnie-liang-2-beses-nabiktima-ng-budol-budol-libu-libong-piso-natangay
https://bandera.inquirer.net/321734/neri-miranda-handa-nang-sumabak-sa-kanyang-graduate-school-journey-good-luck-sa-akin-kung-kakayanin-ko-ang-masteral
https://bandera.inquirer.net/313909/loisa-ronnie-ready-na-nga-bang-dalhin-sa-next-level-ang-relasyon
https://bandera.inquirer.net/298509/kc-concepcion-nagtamo-ng-2nd-degree-burn-matapos-maaksidente-sa-kitchen
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.