Ronnie Liang Kapuso na; nagbigay ng free surgery sa cleft lip patients
MAS magiging masaya at makabuluhan ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon para sa actor-singer at philanthropist na si Ronnie Liang.
Ito’y dahil sa pagpapatuloy ng mga advocacy ng binata na matagal na niyang ginagawa, kabilang na ang pagtulong sa mga cleft lip and palate patients.
Sa loob ng maraming taon, katuwang ni Ronnie sa adbokasiyang ito ang St. Vincent General Hospital sa Marikina City, San Fernando General Hospital sa San Fernando, at ang Smile Train Philippines.
Ngayong Christmas season, 15 to 20 na kabataan ang mabibigyan ng panibagong pag-asa dahil sasailalim na sila sa libreng surgery.
“The greatest gift you can offer this Christmas is hope. It makes me happy to know that there is hope for these children with cleft lip and palate.
Baka Bet Mo: Heart na-trauma sa ipinaretokeng lips: Never tayo magpapabudol ever again!
“I believe that is the true objective of my song ‘Ngiti’ – to make people smile in the most honest way possible. And I hope that more people share this kind of hope this Christmas. And I am thankful for all the blessings,” pahayag ng award-winning OPM artist.
Aniya pa, “Since its launch, the foundation has helped over 100 patients with cleft lip and palate. As a celebrity with a platform, it is your job to use it for good.”
View this post on Instagram
Samantala, isa na rin ngayong certified Kapuso si Ronnie, matapos pumirma ng kontrata sa Sparkle talent management ng GMA 7. Excited na raw siya sa mga bagong mangyayari sa kanyang career next year.
Napanood na si Ronnie sa Kapuso hit series na “Pulang Araw” na pinagbibidahan nina Alden Richards, Barbie Forteza, David Licauco, Sanya Lopez at Dennis Trillo.
“I’d like to thank Sparkle and the GMA executives for their trust in me. I can’t wait to try out my acting skills with them, and I’m excited to share my voice with the Kapuso audience.
“In terms of acting, I want to take on roles that will push me as an artist,” aniya.
Sa tanong kung sinu-sino sa mga Kapuso artists ang nais niyang makatrabaho, “I’ve always admired Julie Anne San Jose, Jennylyn Mercado, Dingdong Dantes, and Dennis Trillo.
“If given the opportunity, I would like to work with them. Julie Ann is a powerful singer. She can sing anything. Both Dennis and Sir Dingdong are excellent actors. Magaling din na aktor si Ruru Madrid,” tugon ni Ronnie.
Kamakailan lamang ay ni-release na rin ng bagong Sparkle singer-actor ang kanyang Christmas song na “Panalangin Kong Pasko.”
And very, very soon, matatanggap na rin ni Ronnie ang kanyang commercial pilot’s license after completing the required number of flying hours.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.