Ronnie umalma sa chikang pinondohan ni Roque ang Ngiti Foundation

Ronnie umalma sa chikang pinondohan ni Roque ang Ngiti Foundation

Ervin Santiago - June 26, 2024 - 08:00 AM

Ronnie umalma sa chikang pinondohan ni Roque ang Ngiti Foundation

Ronnie Liang at Harry Roque

NA-HURT ang OPM artist at Army reservist na si Ronnie Liang nang idamay ng netizens ang kanyang foundation sa viral video nila ni Atty. Harry Roque.

May mga netizens kasi ang nagbanggit sa Ronnie Liang Project Ngiti Foundation nang kumalat ang video ng singer-actor kasama ang dating presidential spokesperson ni Rodrigo Duterte.

Pinag-isipan nila nang masama si Ronnie at tinawag na “alaga” raw ni Roque tulad ng pang-iintriga ng mga netizens sa pagkakaugnay ng dating opisyal ng gobyerno sa isang male pageant winner.

Baka Bet Mo: Ronnie Liang sinagpang ng fan, dinilaan sa mukha pero hindi nagalit: ‘I continued to smile and understand their actions and feelings’

Nakachikahan ng BANDERA si Ronnie recently at nagkuwento nga siya about what happened sa viral video nila ni Roque. Wala raw malisya ang “topless” conversation nila at hindi rin daw siya na-offend dito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Natanong namin ang binata kung nag-reach out ba siya kay Roque nang pumutok ang isyu, “Wala, walang reach out na nangyari. To be honest.

“I was expecting na mauna sana siya na mag-ano kasi siya yung…pero tahimik lang ako dun, hindi ako kumikibo.

“Sinabi ko lang (sa video), ‘Gabaha ang guwapa diri Dinagat,’” aniya na ang ibig sabihin ay maraming magandang babae sa Dinagat Islands.

Patuloy pa niya, “Inaasahan ko lang na baka mag-ano ng statement si Sir, kasi alam naman niya na wala, na in-invite niya lang ako mag-guest sa vlog.

Baka Bet Mo: Ronnie Liang sa ipinataw na 12-day suspension ng MTRCB sa ‘It’s Showtime’: Parang selective justice

“So I was advised by some people to give statement na. Kasi sabi nga sa universal practice na ‘silence means yes.’ So, at least, I’m saying no, wala po, none, negative,” aniya pa.

Hiningan din siya ng mensahe sa nag-edit ng video, “Sana gumawa ka din ng isa pang version naman na ipakita mo yung tunay. Hindi lang yung na-crop, para patas, patas po.

“Siguro gamitin niyo naman yung music ko na background para ma-promote din,” ang birong sey ni Ronnie. Nabanggit pa niya ang latest single niyang “Himala” na original ng Rivermaya at available na ngayong July for download at streaming.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ronnie Liang (@ronnieliang)


Ito naman ang message niya kay Roque, “Sir! Salamat sa pag-interbyu, sa… iyon lang, salamat po.

“Salamat po, isang karangalan na mainterbyu niyo. At thank you for being that accommodating sa amin. Dahil po doon, iyon nga, nabigyan kayo ng ibang interpretasyon o ng isyu,” sey pa niya. “We cannot judge him,” dagdag ni Ronnie.

Samantala, inamin nga ng singer na nasaktan siya sa akusasyong funded umano ng office of the former presidential spokesperson ang kanyang Ronnie Liang Project Ngiti Foundation na tumutulong sa pagpapaopera sa mga  batang may cleft lip, cleft palate o bingot.

“Hindi po totoo. Unang-una, unauthorized pa ako na tumanggap ng donation. To be clear, bawal pa po akong tumanggap ng anumang pera o donasyon from anyone.

“Ang puwede pa lang, e, kagaya niyan, ang ginagawa ko ay nagpa-fundraising concert po ako.

“Yung mga kinikita ko sa YouTube channel ko, sa Facebook, and portion of my talent fees and royalties from my albums, iyon po yung ginagamit kong funds pang-opera ng mga batang may cleft.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Iyon po yun. Kasi inaano nila na ginamit ko raw ang pera ng taumbayan. I-audit nila ako kasi,” ang hamon pa ni Ronnie sa mga bashers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending