AR dela Serna umaming may joint account sila ni Harry Roque

AR dela Serna umaming may joint account sila ni Harry Roque, anyare?

Ervin Santiago - September 05, 2024 - 03:22 PM

AR dela Serna umaming may joint account sila ni Harry Roque, anyare?

AR dela Serna at Harry Roque

WALANG pag-aalinlangang inamin ni Mister Supranational Philippines 2016 Alberto Rodulfo AR dela Serna na may joint bank account sila ni Atty. Harry Roque.

Muling humarap si AR, dating former executive assistant ni Roque, sa naganap na quad committee hearing ng House of Representatives kahapon, September 4.

Ang pagdinig ay tungkol pa rin sa sinasabing koneksyon umano ni Roque na dating presidential spokesperson sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Dito nga natanong ang male pageant winner tungkol sa joint bank account nila ni Roque na dati niyang boss. Base ito sa dokumentong nadiskubre ng mga operatiba ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa pag-raid nila sa POGO hub sa Porac, Pampanga, noong June, 2024.

Baka Bet Mo: Mga alituntunin sa joint bank accounts, ipinaliwanag ng ‘CIA with BA’

Si House Committee on Public Order and Safety chairperson Dan Fernandez ang nag-usisa kay AR about the controversial joint bank sa BPI na may lamang P3 million.

Sagot ni AR, “I have a joint account with Atty. Roque po, sa pagkakaalam ko po, Mr. Chair, closed na po ang account na yun.”

“Sa pagkakaalala ko kasi, Mr. Chair, that account was used for election po. Once a month yun for election purposes. Payroll ng mga tao. Around P3-M or more, Mr. Chair. One transaction. Alam ko that’s the limit, Mr. Chair, yung pinakamalaki po na deposit.

“Hindi ko po alam if magkano lahat ang pumasok, Mr. Chair. Hindi ko po alam ang total amount na pumasok,” aniya kasabay ng pag-amin na nakapag-withdraw daw siya noon dito ng P1.2 million hanggang P1.8 million kada isang buwan.

Sunod na tanong kay AR ni House Representative Romeo Acop, magkano ang kontribusyon niya sa joint bank account nila ni Roque, “Wala po ako kino-contribute.”

Sundot na question ni Acop, “Wala ka naidadagdag sa joint account ninyo ni Atty. Roque pero you’re authorized na mag-withdraw?”

“Yes po, Mr. Chair,” sagot ni AR.

Sabi ni Acop, “Nalalaman ko lang yan, nangyayari yan sa mag-asawa, mag-ina o mag-ama, e, di po ba? Yung joint account. Ano sa tingin mo, iho? Maliban lang kung ipinapatago niya yung pera sa yo kasi hati kayo.”

Tugon ni AR, “Hindi ko naman po pinapakialaman ang pera po ni Atty. Roque po.”

Baka Bet Mo: 2 scholar ni Alden naka-graduate na sa college; magko-concert para sa mga batang gustong mag-aral

Nagtatakang tanong uli ng kongresista, “E, ginagawa lang yan ng magulang sa anak, e, o kaya sa kanyang asawa, magdyo-joint account sila, di po ba? Ano sa tingin mo?”

Mahinahong sagot ni AR, “Inutusan lang po ako, Mr. Chair, sumunod lang naman po ako.”

Medyo may laman na ang sunod na tanong ni Acop, “Inutusan ka lang and sumunod ka. E, kung sasabihin ba niya na lumundag ka sa bangin, lulundag ka?

“Hindi naman po siguro Mr. Chair,” sagot ng dating empleyado ni Roque.

Nadamay ang pangalan ni AR dela Serna sa naturang isyu dahil sa mga papeles na nasamsam nang salakayin ng PAOCC ang Lucky South 99 POGO hub sa Porac, Pampanga.

Si Roque ang legal counsel ng Whirlwind Corporation, ang real estate firm na nagre-rent sa Lucky South 99 compound. Pero sabi ng dating presidential spokesperson, wala siyang kinalaman sa ni-raid na POGO hub.

Sa isang dokumentong nakumpiska ay nakita ang affidavit of support ni Roque kay AR sa biyahe nito patungong Poland, Ukraine, at Italy noong October 9, 2023 hanggang October 18, 2023.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Atty. Harry Roque (@harryroque)


Sinagot umano ni Roque ang lahat ng gastos ni AR sa kanilang travel kung saan in-invite raw ang abogado sa Europe para maging resource person sa usaping peace and order sa Ukraine.

Ayon sa salaysay na isinumite ni Roque, “I am financially capable and willing to cover all expenses related to De La Serna’s travel, including, but not limited to, transportation, accommodation, meals, medical expenses and any other necessary costs.”

Isinama raw niya si AR sa Europe para may may mag-assist sa kanya dahil diabetic daw siya, bukod pa sa pagkakaroon ng coronary stent at acute spinal stenosis.

Lumabas din ang appointment paper ni AR bilang executive assistant ni Roque sa Office of the Presidential Spokesperson. Depensa niya, “Sinabi na po ng mga pulis na wala pong kriminal na nakita sila du’n sa mga sulat.

“Yan po ay mga papeles ng appointment at wala po talagang kriminal na intent diyan. So, nilinaw na po ‘yan ng pulis. Siya po ay galing sa isang political family na De La Serna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang lolo po niya ay naging dating gobernador ng Bohol. Ang lolo niya sa side ng nanay niya ay dating vice-mayor. Siya po ay isang college graduate at siya po ay kinuha ko bilang isang IT. Siya po ay dati kong empleyado, yun po ang alam ko po,” ang paglilinaw pa ni Roque.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending