Ronnie ibinuking ang tunay nangyari sa kanila ni Harry Roque

Ronnie ibinuking tunay na nangyari sa kanila ni Roque, nag-topless ba?

Ervin Santiago - June 25, 2024 - 03:41 PM

Ronnie ibinuking ang tunay nangyari sa kanila ni Roque, nag-topless ba?

Ronnie Liang at Harry Roque

HINDI na-offend o nakaramdam ng pambabastos ang singer-songwriter na si Ronnie Liang sa “topless” joke sa kanya ni Harry Roque.

Nakausap ng BANDERA ang award-winning OPM artist kagabi at nagpaliwanag nga siya tungkol sa viral video nila ni Atty. Harry na nilagyan ng malisya ng mga netizens.

Makikitang magkasama si Ronnie at ang dating presidential spokesperson na nasa bangka habang binabaybay ang karagatan.

Sa kumalat na video, maririnig si Roque na nag-dialogue ng, “Maya-maya tingnan natin kung mapapa-topless natin si Ronnie Liang…ako magta-topless ako.” Natawa lang ang binatang singer at Army reservist sa sinabi ni Roque.

Baka Bet Mo: Kim Chiu aminadong nasa “good place”, deadma lang sa bashers

Simulang kuwento ni Ronnie, “As far as I remember, July 2022 yung video na napapanood niyo sa social media na kumakalat kung saan kasama ko ang former presidential spokesperson Atty. Harry Roque.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“At mapapansin niyo naman sa video na in-interview niya ako or… kinuha niya akong guest sa kanyang vlog. Pero to be clear, wala tayong kaugnayan sa butihing presidential spokesperson.

“It just happened na nandun po ako bilang isang reservist ng Philippine Army para tumulong sa pag-distribute ng relief goods.

“At the same time, nakatanggap po tayo ng invitation mula sa local government ng Dinagat Islands Governor Nilo Demery Jr.,” patuloy na paglalahad ni Ronnie.

Tanda pa ni Ronnie sa naging usapan nila ni Roque, “Tinawag ako, ‘Ronnie, puwede ka bang ma-invite?’ Parang ganun.

Baka Bet Mo: Bwelta ni Angel kay Roque: Bakit niya sinermunan ang mga medical workers?

“Tayo naman ay accommodating. Mabait naman si Atty. Harry Roque, accommodating. Kaya kahit na, halimbawa, ngayon pa lang nagkita-kita, ganu’n na siya talaga magsalita.

“Hindi lang po sa akin, sa lahat ng tao kasi siya ay ma-PR din naman dahil spokesperson nga,” aniya pa.

Kasunod nga nito, marami ang nag-akalang “alaga” ni Roque si Ronnie na sumabay pa sa pagkakaugnay ng dating spokesperson ni Rodrigo Duterte kay Mister Supranational Philippines 2016 AR De La Serna.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ronnie Liang (@ronnieliang)


“Actually, nu’ng una natawa ako nang pinanood ko. Kasi actually, hindi ko ho napanood yung buong vlog, noon ko na lang talaga napanood nung nag-viral na. ‘Ito pala, may ganito pala!’

“Nakalimutan ko na nga na pinagta-topless pala niya ako, e! Natawa ako and at the same time siyempre nalungkot dahil nahaluan ng ibang konsepto.

“Nakita niyo naman, kinrop (pinutol) siya, may mga tao pa kasi actually kasama, may babae pa nga sa right side. At may mga tao sa likod ng kamera.

“Ang logic or common sense, kung may malisya hindi niya sasabihin iyon in front of the camera. Sasabihin niya, ibubulong niya, ‘Puwede ka bang…’ pero hindi, e. It’s just, parang for entertainment purposes, the way I understand ha, nu’ng napanood ko yung video,” aniya pa.

Mariing sabi ng binata, “Wala ho kaming ugnayan! Nandu’n lang ho talaga ko para mag-serve.

“Para mag-volunteer para kantahan yung mga nabagyo, at the same time tumulong mag-distribute ng mga relief goods doon dahil nasalanta talaga ang Dinagat Islands,” dugtong niya.

“Nalungkot lang ako dahil parang may goal yung nag-edit, to attack someone, nadamay lang ako. Kasi in-edit niya at saka ang haba ng video kung mapapanood niyo, iyon lang ang kinat niya.

“Pero, I don’t know kung ang purpose is comedy lang or ma-monetize yung Facebook niya, magkaroon ng traction, pero iyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Siyempre isang karangalan pa rin, that time, na siyempre he was still the former presidential spokesperson, in-invite ka to be a guest sa vlog,” paliwanag pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending