Kim Chiu aminadong nasa "good place", deadma lang sa bashers | Bandera

Kim Chiu aminadong nasa “good place”, deadma lang sa bashers

Therese Arceo - May 04, 2022 - 08:26 PM

Kim Chiu aminadong nasa "good place", deadma lang sa bashers
WAPAKELS ang Kapamilya TV host-actress na si Kim Chiu sa mga bashers at trolls na patuloy na bumabatikos sa kanya.

Recently kasi ay muli na naman nagte-trending ang dalaga matapos siyang maghayag ng kanyang saloobin ukol sa isang presidential candidate na si Bongbong Marcos.

Sa isang post ni Kim sa Instagram ay ibinahagi niya na nasa “good place” siya.

Makikita na kuha ang mga larawan sa Coron, Palawan.

“These are the moments, the moments we live for. Thankful for #giftoflife and #giftoffily wouldn’t trade this for anything even on my next life, still want to be part of this family,” saad ni Kim.

Nagpasalamat naman ito sa kapatid na sa paandar nitong sst up habang nagbabakasyon.

Sa isa pa nitong post ay tila enjoy na enjoy naman si Kim sa ganda at payapang lugar ng Coron.

“Just how I imagined where I wanted to be. Sat here for hours, no phone, just enjoying the view and sound of nature,” caption ng dalaga.

Matatandaan na kinuwestiyon ng dalaga ang pagiging tahimik ng kandidato at kung bakit panay ang spokesperson nito ang naglalabas ng statement ukol sa mga isyu at tanong sa kanya gayong pwede rin naman niya itong sagutin ng diretso para marinig ng taumbayan ang kanyang panig sa mga bagay bagay na kinakaharap niya at ng bansa.

Matapos ng kanyang viral statement ay inulan na siya ng batikos at maging si Arnell Ignacio ay pinatutsadahan na rin siya at sinabing kumuha ng sarili nitong “spokesperson” para hindi ito sumasabit.

“Kim Chiu, you know what? You are very colorful personality who has a knack for asking the most intriguing question,” panimula ni Arnel.

Pagpapatuloy niya, “Ang spokesperson ay isang tao na nagsasalita in behalf of somebody else. So why does it happen? Kasi ‘yung tao na iyong inaantay na magsalita, ay napakaraming engagement at kailangan niya ng isa pang tagapagpaliwanag.”

Aniya, wala naman daw mali sa pagkakaroon ng spokesperson at pinayuhan pa ang dalaga na kumuha rin ng sarili niyang spokesperson.

“Now, there’s really nothing wrong with that. You know, what’s best for you, get a spokesperson for yourself. Malaking tulong yan para hindi ka sumasabit, Kim. Hope to meet you one day,” sey pa ni Arnel.

Related Chika:
Kim Chiu may banat kay Bongbong Marcos: Bakit spokesperson ang sumasagot, siya po ba tatakbo?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Arnell Ignacio binanatan si Kim Chiu: Get a spokesperson for youself!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending