‘La Niña’ asahan hanggang Marso, magdudulot ng mas maraming ulan, bagyo
ASAHAN ang mas maraming ulan at bagyo sa unang quarter ng taong 2025.
‘Yan ang naging babala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), base sa inilabas nilang pahayag ngayong araw, January 6.
Ayon sa weather bureau, ito ay dahil opisyal nang mararanasan sa Tropical Pacific, partikular na sa ating bansa, ang “La Niña” na nagsimula na noon pang Setyembre at patuloy pang lumalakas.
Baka Bet Mo: Anak ni Mary Jane nasasabik na: ‘Mararanasan ko na magka-nanay!’
Paliwanag ng PAGASA, ang La Niña ay nangyayari kapag ang sea surface temperature anomalies (SSTAs) ay bumaba ng -0.5°C o mas mababa pa.
Inaasahang magpapatuloy ang trend na ito sa unang tatlong buwan ng taon.
Dahil dito, sinabi ng weather bureau na may “higher chances of above-normal rainfall in the January – February – March 2025 season are expected, which may cause floods, flashfloods, and rain-induced landslides.”
“Furthermore, an increased chance of tropical cyclone activity within the Philippine Area of Responsibility (PAR) during the period is likely,” wika pa sa statement.
Kaya naman, nanawagan ang PAGASA sa publiko at mga ahensya ng pamahalaan na patuloy na subaybayan ang mga ulat ng weather bureau kaugnay ng lagay ng panahon at mga kondisyon sa klima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.