Listahan ng mga pangalan ng bagyo na papasok sa Pinas sa 2025 havey na
TULAD ng inaasahan, marami pa ring bagyo ang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong taong 2025.
Mula sa mahihina hanggang sa pinakamalakas na typhoon ang inaasahang babantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).
This year ay may listahan na ang PAGASA ng mga ipapangalan sa mga bagyong papasok sa PAR.
Sa mga nagtatanong kung bakit nga ba nakapangalan sa tao ang mga bagyong dumaraan sa bansa, simple lang naman ang kasagutan diyan.
Baka Bet Mo: Angel Locsin papasok na raw sa Batang Quiapo ni Coco: Ay, fake news po!
Ayon sa World Meteorological Organization (WMO), mas okay daw na isunod sa pangalan ng tao ang mga bagyo para mas madaling matandaan ng publiko.
Mas mapapadali rin daw ang disaster risk awareness na isinasagawa ng mga ahensiya ng gobyerno at pagbibigay babala sa mga mamamayan upang maiwasan ang matinding epekto ng sakuna.
Sabi ng PAGASA, nakalista na ang mga pangalan ng papasok na bagyo sa Pilipinas — meron silang 25 names plus 10 auxiliary set names kung sakali mang lalagpas sa 25 ang papasok na bagyo sa PAR.
Narito ang mga ipapangalan sa nga bagyo ngayong 2025. Check n’yo na lang kung may magiging kapangalan kayong typhoon this year.
1. Auring
2. Bising
3. Crising
4. Dante
5, Emong
6. Fabian
7. Gorio
8. Huaning
9. Isang
10. Jacinto
11. Kiko
12. Lannie
13. Mirasol
14. Nando
15. Opong
16. Paolo
17. Quedan
18. Ramil
19. Salome
20. Tino
21. Uwan
22. Verbena
23. Wilma
24. Yasmin
25. Zoraida
Auxiliary set
1. Alamid
2. Bruno
3. Conching
4. Dolor
5. Ernie
6. Florante
7. Gerardo
8. Hernan
9. Isko
10. Jerome
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.